K Brosas tanggap na tanggap ang anak na miyembro ng LGBTQIA community: Kahit halamang dagat ka pa
BUONG pusong tinanggap ng aktres at komedyanang si K Brosas ang anak nang umamin ito sa kanya bilang miyembro ng LGBTQIA+ community.
Sa kanyang naging interview kay Karen Davila na mapapanood sa Youtube channel ng huli, natanong siya ukol sa kanyang reaksyon sa pag-out ng anak.
Ani K, noon pa man ay nararamdaman na niya kung ano ang kasarian ng anak.
“Matagal ko nang alam. Alam ko na high school pa lang, nakakaramdam na ko. Pero syempre kwento nila ’yan eh, dapat sila ang magkwento,” pagbabahagi ng actress-comedienne.
Baka Bet Mo: K Brosas wish na magkabati na sila ng ina, nanawagan: Ma, tama na…tigilan na natin ‘to
Pero noong nagkaroon ng hindi magandang reaksyon at may mga balita nang nakakarating sa kanya ay kinausap na niya ang anak.
“Ako pa ang nagsabi sa kanya kasi nakarating na sakin, ‘yung anak mo tomboy pala.’ Ayoko nang lumaki [yung sitwasyon]. So… inunahan ko na siya. [Sabi ko], ‘Anak alam ko na.’ Iyak lang siya nang iyak. Sabi ko ‘Kahit halamang dagat ka pa [tatanggapin kita],” lahad ni K.
Dagdag pa niya, “Kasi ganon talaga dapat kasi sa panahon ngayon, anak n’yo yan! Siyam na buwan nating dinala ‘yan.”
Chika pa ni K, sa kabila ng pagtanggap niya sa preference ng kanyang anak ay marami pa rin silang naririnig na mga negatibong komento ukol rito.
May mga nagsasabi raw na sayang ang ganda ng kanyang anak habang ang iba naman ay nagsasabing hindi na siya magkakaapo.
“Again, ‘yung mga anak natin, ano ‘yan? Produkto? Kahit naman hindi tomboy ang anak ko, kung sabihin sa akin ng anak ko na ‘Ayokong mag-anak’, wala akong magagawa,” sey ni K.
Samantala, ibinahagi naman ni K na bagama’t hindi sila nag-uusap ng ama ng kanyang anak ay maayos naman ang relasyon nito at nagkakausap silang mag-ama.
Related Chika:
K Brosas umapela sa madlang pipol na nagpa-book sa Siargao: ‘Wag muna tayo magpa-refund
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.