K Brosas hindi iuurong ang kaso sa dating contractor ng bahay: Kung mahina-hina kang tao, tiyak bumigay ka na sa pinagdaanan ko | Bandera

K Brosas hindi iuurong ang kaso sa dating contractor ng bahay: Kung mahina-hina kang tao, tiyak bumigay ka na sa pinagdaanan ko

Ervin Santiago - November 29, 2022 - 07:34 AM

K Brosas hindi iuurong ang kaso sa dating contractor ng bahay: Kung mahina-hina kang tao, tiyak na bumigay ka na sa pinagdaanan ko

K Brosas

NAKARANAS din ng matinding anxiety ang singer-comedienne at TV host na si K Brosas noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Inatake siya ng sobrang kalungkutan at pangamba nang biglang mag-lockdown ang buong bansa dahil sa pandemya na nagresulta nga sa kawalan ng trabaho at karaketan.

“Siyempre, nu’ng first few months, nagka-anxiety rin ako kasi walang trabaho. But thanks to TV5, nabigyan ako ng maraming labada.

“Naging co-host ako ng ‘Lunch Out Loud’ and when I left it, heto nga itong ‘Sing Galing’, so nagtuluy-tuloy lang ang trabaho ko,” ang pahayag ni K Brosas nang nakachikahan ng ilang members ng entertainment media kamakailan.

Super thankful din siya nang sa wakas ay matapos na rin ang construction ng kanyang dream house makalipas ang limang taon.

Dito nga uli nailabas ng komedyana ang tungkol sa dinanas na stress dahil sa dating contractor ng kanyang bahay na bigla na lang siyang nilayasan kahit na fully paid na siya.

“Idinemanda ko kasi hard earned money ko ang itinakbo niya. Sobra akong na-stress at kung mahina-hina kang tao, tiyak na bumigay ka na sa mga pinagdaanan ko. So I got another contractor at awa ng Diyos, natapos rin,” pahayag ng singer at TV host.

Aniya, nasa korte na ang kaso at umaasa nga siya na mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya at maparusahan ang mga taong responsable sa panloloko at panggagantso sa kanya.

Sabi pa ni K, mabuti at maawain siyang tao pero sa kasong ito hindi raw puwedeng si Lord na ang bahala dahil kailangang managot sa batas ang nagkasala.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maria Carmela (@kbrosas)


Kuwento pa ni K Brosas, nakalipat na sila ng kanyang anak na si Crystal sa bago nilang bahay na dugo’t pawis ang kanyang ipinuhunan bago niya naipatayo.

May tatlong palapag ang kanyang dream house at tatlong bedroom. May kanya-kanya rin daw kuwarto ang mga kasambahay at driver.

Samantala, excited na si K bilang host ng toprating videoke singing game show sa TV5 na “Sing Galing” sa nalalapit na grand finals nito sa December 3 para sa kiddie edition at December 10 para sa regular contestants.

“I really enjoy hosting the show kasi ang gagaling lahat ng contestants. Wala kang tulak-kabigin sa husay nila. Yung mga bata, nakakaloka ang mga talent.

“Ilang beses na akong napaiyak just watching them sa pagkanta nila, kasi ang babata nila, pero amazing ang husay nila at such a young age.

“At wala sa kanilang pinilit lang ng magulang kaya sumali ha. Gusto nila talaga.  At ang maganda, walang inggitan sa kanila. Naka-lock in kasi silang lahat sa hotel kaya naging magkakabarkada na sila,” aniya.

Kung siya lang daw ang judge, pananalunin niya ang lahat ng contestants, “Sila pa ang nagsasabi sa bawat isa na, ikaw ang mananalo. Naging malapit silang lahat sa puso ko.

“I heard their stories at naiyak ako dun sa batang dine-dedicate ang kanta niya sa mother niyang OFW na hindi niya nakikita for three years na, kasi walang perang pang-uwi rito,” dagdag ni K.

K Brosas napaiyak sa napurnadang dream house, grabe ang panic attack: Masakit, kasi ang tagal kong nagmakaawa…

K Brosas umapela sa madlang pipol na nagpa-book sa Siargao: ‘Wag muna tayo magpa-refund

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Engineer ikinumpara sa ‘horror story’ ang nangyari sa dream house ni K Brosas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending