Engineer ikinumpara sa 'horror story' ang nangyari sa dream house ni K Brosas Bandera

Engineer ikinumpara sa ‘horror story’ ang nangyari sa dream house ni K Brosas

Reggee Bonoan |September 15,2021
share this

Engineer ikinumpara sa ‘horror story’ ang nangyari sa dream house ni K Brosas

Reggee Bonoan September 15, 2021 - 08:56 AM

K Brosas

TRENDING pa rin hanggang ngayon sa social media ang larawan ng bahay ni K Brosas na hindi tinapos ng contractor at basta na lang iniwang nakatiwangwang sa isang lugar sa Quezon City.

Nagpakuha ang TV host-singer-actress sa harap ng bahay niya noon na inakalang malapit nang matapos pero hindi pa pala dahil ganu’n pa rin ang itsura nito pagkalipas ng tatlong taon.

Sinimulang gawin ang bahay niya noong 2018 at ang pangako sa kanya, 2019 ay matatapos na ito at puwede nang tirhan bago nagkaroon ng COVID-19 pandemic noong Marso, 2020.

Nakita ni Engineer JBO ang larawan ng bahay ni K, na base sa kanyang Facebook page ay isang structural engineer by profession, President/CEO: CALID Specialty Contractors Inc at Partner: VBo Architects and Engineers.

Ni-repost ni Engineer JBO ang larawan ng bahay ni K sa kanyang timeline at saka nagbigay ng kanyang opinyon kung bakit hindi natapos ang bahay.

Aniya, “This is a classic example of over promised, never delivered. It’s very unfortunate that this is not going to be the last time we will be hearing this kind of horror story. Looking at her house I’m guessing it’s around 300+ sqm and based on the context of her post 7M is almost the entire contract cost. Which is very much below the going rate in today’s construction.

“I’m sure if ever this post reach 1000 comments, 100 of those will tell you ‘kaya naman yan eh’. Don’t believe them. Run as far away from them as possible. Because although it’s true that they ‘can’ do it, but the question is, is it the proper way of doing it? 

“Will they build the house as per engineering specifications? Will they finish the house as per architectural specifications? Most importantly, will they have proper technical supervision throughout the entire project?

“I have seen countless houses built differently from the intended design specs in consideration of cost. There is a proper way of doing this and that is by coordinating with the proper professionals.

“But since it’s almost a certainty that their cost cutting measure is unacceptable they would rather finish the entirety of the project on their own diskarte, have the professionals check in the hopes hindi mapansin pinaggagawa nila and if mapansin saluhin nalang daw nila ang responsibility and then turnover the house to the unknowing client who thinks they are living in the house promised to them. At the end of the day, it’s the client who suffers from all of this.

“Moral of the story: Cheapest does not mean the best. Always hire the right people for the job. Always prioritize quality and your family’s safety.”

Maraming netizens naman ang nagbigay ng kanilang kuru-kuro base sa larawang ipinost ni K.

Mula kay @Sherellyn Frilles, “Sa totoo lang P7M is still a huge money. Almost done na ang 300sqm kung hindi masyado maarte ang design ng construction. Sa sobrang hirap ng buhay ngayun Nakakagigil mga taong scammer.”

Say ni @Dan Yell Josh, “Pero base sa photo na toh, 7M is more than enough sa ganitong accomplishments lang.”

Naniniwala naman si @Joe Riel Cambel Alarcon na hindi nagkaintindihan ang TV host-singer at ang kausap niyang contractor, “Sa Mla kulang 7m for 300sqm f.a., pero dto s probinsya kasya n yan, cguro meron cla mis understanding.”

Ayon kay @Ben Opena, “Tingin ko napasubo contractor dyan sa 300 sqm. At medyo malapit na sa high end. Nasa 30000/sqm yan so halos 9mio. ++. Nag Dive siguro at computed sa 22,500 ayun lugi.”

Sabi rin ni @Andrew Manansala, “Biglang taas ang materyales, baka naipit yung contractor.

Ayon naman kay @Ernesto A. Pilapil Jr, “Wala pang 2M ang na accomplished sa itsura na yan…naloko nga.”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending