K Brosas wish na magkabati na sila ng ina, nanawagan: Ma, tama na…tigilan na natin ‘to
TILA nanawagan na ang singer-comedienne na si K Brosas sa kanyang ina upang tuluyan na silang magkabati.
Sa naging interview ng singer sa programang “Fast Talk with Boy Abunda,” isa sa mga naitanong sa kanya ay kung ano ang nais niyang sabihin sa kanyang nanay.
Saad naman ng komedyana sa King of Talk na si Boy Abunda, “Ayoko na sanang pag-usapan pero sana ma-resolve din ‘yung issue kasi sino ba naman ‘yung gustong may galit sa inyo ‘yung magulang niyo.”
“Ang tagal na naming hindi nag-uusap e. Sana tama na. Ma, tama na. Tigilan na natin ‘to,” panawagan niya sabay naiyak sa harap ng camera.
Dagdag pa niya, “Tama na please? Kasi ilang beses na tayo nag-ayos biglang…Lagi kong sinasabi na malaki ‘yung utang na loob ko. Hindi ko po pinagkakait ‘yun.”
“I will be eternally grateful, pero sana tama na, tama na ‘yung sumbat… Gusto ko lang naman marinig ‘yung, ‘I’m proud of you, proud ako sa pagpapalaki mo sa anak mo’,” ani pa ng singer-comedienne.
Hiniling din ni K na sana maintindihan ng kanyang pamilya ang kanyang sinasabi at hindi siya lumabas na may masamang intensyon.
Sambit niya, “Sa mga pamilya ko, please don’t take this the wrong way, pero tama na.”
Bigla namang sumingit si Tito Boy at sabay sabing, “At mag-umpisa tayo, ‘diba we can always start.”
Sumang-ayon naman diyan si K at inamin na ito rin ang kanyang inaasam.
“Sana, sana,” sey niya.
Sinundan naman ‘yan ng biro ng komedyana habang sinusubukang tumigil sa pag-iyak, “Kasi nakapunta naman ako ng Italy kasi meron naman akong miles, charot lang! Naikailang beses akong punta ng Italy katabi ko ‘yung piloto.”
Kung matatandaan, ilang beses nang nag kwento ang komedyana sa mga dating panayam na hindi maganda ang kanilang relasyon ng ina mula pa noong bata pa siya at ‘yan daw ay nadala na niya hanggang siya ay magkaroon na ng sariling pamilya.
Related Chika:
K Brosas umapela sa madlang pipol na nagpa-book sa Siargao: ‘Wag muna tayo magpa-refund
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.