Seth kinampihan sina Andrea at Ricci, bumanat sa bashers: Please, magsitigil na kayo...dahil wala kayong alam | Bandera

Seth kinampihan sina Andrea at Ricci, bumanat sa bashers: Please, magsitigil na kayo…dahil wala kayong alam

Reggee Bonoan |April 11,2022
facebook
share this

Seth kinampihan sina Andrea at Ricci, bumanat sa bashers: Please, magsitigil na kayo…dahil wala kayong alam

Reggee Bonoan - April 11, 2022 - 04:49 PM

Seth Fedelin, Andrea Brillantes at Ricci Rivero

“KAPE tayo?” Ito ang caption ni Seth Fedelin sa larawang ipinost niya sa Instagram kung saan may hawak siyang tasa habang nakaupo sa balkonahe.

Ibinahagi ito ng binata isang araw matapos mag-viral ang video proposal ng basketbolistang si Ricci Rivero kay Andrea Brilllantes na nangyari pagkatapos ng laro ng una sa UAAP. Sumagot naman ng “yes” si Andrea.

Si Seth ang ka-loveteam ni Andrea at may upcoming series sila na may titulong “Lyric and Beat” na ipalalabas sa Qiyi mula sa Dreamscape Entertainment at idinirek ni Dolly Dulu.

Kaliwa’t kanan ang pamba-bash na inabot ni Andrea pagkatapos niyang sagutin si Ricci bagay na inalmahan ni Seth bilang pagtatanggol sa ka-loveteam sa pamamagitan ng Instagram Live nito Linggo ng gabi, Abril 10.

“Alam n’yo guys bakit ako nag-live… hindi ko na kailangang mag-explain,” bungad nito.

Binati pa nito ang kaibigan at kasamahan sa Gold Squad na si Kyle Echarri na nanonood sa kanyang IG Live, “Stay ka lang Kyle ah.”

“Simulan ko na guys, kaya naman ako nandito dahil gusto ko nang magsalita, okay. Gusto ko nang magsalita kasi hindi na po magaganda yung mga nababasa ko.

“At hindi ako magsasalita para po sa sarili ko. Magsasalita po ako para din sa kaibigan ko, okay.

“Paano ba natin ito sisimulan, guys, kasi yung mga nababasa ko, alam mo ‘yun, na parang unfair po. Napaka-unfair dahil wala po kayong alam, wala po kayong alam.

“Unfair po para sa kaibigan ko na makabasa at makarinig ng mga salita na wala po tayong karapatan para banggitin. Kahit po ako, wala pong karapatan magbanggit ng mga ganu’ng salita.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)


“At ako mismo, para din lang alam niyo, guys, alam ko po kung ano talagang nangyari. Alam ko po, alam po namin kung anong nangyari. Alam po nu’ng mga kaibigan namin kung anong nangyari.

“And ito, hindi ko na natiis talaga kasi sobra na po, guys, nawawalan na tayo ng respeto, di ba? Hindi na po tama ‘yun.

“Hindi po deserve ng kabigan ko na makarinig ng mga ganu’ng salita, mga ganu’ng pekeng balita, hindi niya po deserve. Kaya tama na, guys. Tama na po, please lang tama na,” pakiusap ni Seth sa bashers ni Andrea.

Ito rin ang nabanggit sa amin ng ilang nagmamalasakit sa aktres na hindi niya deserve ang katakut-takot na bashings dahil sa pagsagot niya kay Ricci dahil wala naman siyang tinapakang tao. Single siya sa mahabang panahon.

Sabi pa ni Seth nang malaman ng publiko ang ginawa ni Ricci, “Ako po, wala po akong galit, wala po akong galit. Ang meron po ako, tuwa, dahil alam niyo ‘yun, deserve ng kaibigan ko na may gumawa sa kanya ng ganu’ng bagay. Ipagsigawan siya sa publiko.

“Happy po ako, wala po akong anything na negative na nararamdaman, dahil alam ko po ang totoo guys, kami po ang nakakaalam ng totoo.

“Kaya kayo magsitigil na kayo kakabanggit ng mga (masamang salita). Tama na ho guys, ‘yun lang naman kaya lang naman ako nandito para sabihin ‘to, a, alam niyo na, para tumigil na at hindi na madugtungan ng kung ano pa.

“Dahil so far, sa mga nababasa ko po, sa mga naka-tag sa akin, sa mga nakikita ko sa social media pag nagbubukas ako, hindi na po ano, e, hindi na po tama, saka may mga bagay na walang kuwenta, walang kuwenta, guys.

“Hindi ko buburahin ‘tong live na to guys para may makapanood pa rin, suportahan na lang natin, huwag na po tayong sumira.

“Yun po, guys, hindi na po tama yun dahil ako po mismo, ako po mismo suportado ko silang dalawa. Suportado ko po silang dalawa.

“Yun lang, walang dapat madehado dito guys, walang dapat madehado. Kasi alam naming yung totoo, kaming dalawa yung nakakaalam kung ano yung totoo, guys.

“Kayo, wala kayong alam. Wala kayong idea, kaya huwag po tayo magbanggit ng ano, guys, ‘yung tama na, kasi di po tama lalo na po’t babae.

“Parang wala naman tayo, guys, respeto sa mga magulang natin, sa mga nanay natin. Yun lang, hindi po ako magsasalita para sa sarili ko, magsasalita po ako para rin sa kaibigan ko.

“So, ‘yun lang guys, good night. Abangan n’yo po ‘yung Lyric and Beat may show pa po kaming ipapalabas, suportahan po natin ‘wag po tayong manira ng tao, ‘yun guys, ba-bye,” mahabang paliwanag ni Seth.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukukuyan ay almost 782,000 views na ang IG live na ito ng aktor and still counting at kulang 10,000 naman ang comments at halos lahat ay nagpapasalamat sa pagtatanggol niya kay Andrea.

Andrea hindi naghahanap ng dyowa: Masaya na po ako sa relasyon namin ni Seth ngayon

Andrea Brillantes sinupalpal ang basher: Huwag kang umasta na alam mo lahat

Francine Diaz malapit nang mag-debut pero single pa rin: Hindi naman sa ayaw ko ng love life, pero hindi pa po ako ready

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending