Anak ni K Brosas may banta sa mga nanloko sa nanay niya: Sa korte galingan n'yo ang punchlines n'yo | Bandera

Anak ni K Brosas may banta sa mga nanloko sa nanay niya: Sa korte galingan n’yo ang punchlines n’yo

Reggee Bonoan - September 11, 2021 - 04:48 PM

Galit na galit ang nag-iisang anak ni K Brosas na si Crystal Brosas na isa ring singer sa pinagdadaanan ng ina dahil ang ganda at maayos ang usapan nila sa gagawa ng bahay nilang mag-ina pero nauwi lang sa wala.

Tulad ng nabanggit ni K na nakangiti siya sa harap ng camera pero sa likod ay sobrang stress siya at nagkaroon na ng anxiety attack.

Idinaan ni Crystal sa kanyang Instagram account ang saloobin sa pinagdadaanan ng nanay niya.

Ni-repost ng anak ni K ang larawang nag-file siya ng demanda nitong Biyernes laban sa contractor ng bahay nila.

Ang caption ng dalaga, “The most heartbreaking example of the sad clown paradox: MY OWN MOTHER.

“In front of the laughter and punchlines she provides in the public eye, a lot of people are not aware that she is carrying a lot of stress and her chronic anxiety disorder is currently at its peak. Ang tagal naming nanahimik pero hindi niyo na kami mapipigilan ngayon.

“Dati, akala namin imposibleng mangyare ‘yung pangarap niya para sa aming mag-ina. Pero nu’ng nakapaghanda na siya at nakapagtabi ng maraming ipon, sobrang saya ko dahil matutupad na ang matagal na niyang pangarap, ang makapagtayo ng sarili naming bahay.

“Madami na kaming pinagdaanan at matagal na naming pangarap ‘yun dahil nagre-renta siya hanggang ngayon. Maganda at maayos ang simula at buong-buo ang tiwala niya sa mga kaibigan niyang tinulungan siya para matupad ito. Pero ang pinakamasakit sa lahat, sila din ang mga taong nangloko at nanakit sa kanya. At higit sa lahat, sumira sa pangarap niya.

“Labas nang labas ng pera ‘yung nanay ko pero walang nangyayare sa mismong bahay. 2019 pa dapat natapos pero hanggang ngayon, ni pintura ata ng bahay hindi pa kumpleto.”

Naiiyak sa gigil at galit ang unica hija ni K dahil sa panloloko sa nanay niya na hindi na natutulog at makapag-isip ng maayos dahil sa problemang dulot ng mga taong nanloko.

“Ibalik niyo ang P7 milyon na tinangay niyo sa nanay ko! Inabuso niyo ‘yung kabaitan at tiwala niya sa inyo nang walang awa. Naiiyak ako, nanggigigil ako at nagagalit ako pero alam kong mananalo ang hustisya sa huli. Laban, Mommy. Alam kong kaya mo to at mananalo tayo dahil kasama mo ko at nasa iyo ang KATOTOHANAN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa mga taong walang-hiyang gumawa nito sa nanay ko, magkita-kita na lang tayong lahat sa korte. Tignan natin kung hanggang saan ‘yang tapang niyo. Dati, di ba tinatawanan at binibiro niyo pa ‘yung pagdedemanda sa inyo? Dinaig niyo pa ‘yung totoong komedyante na kliyente niyo. Doon sa korte, galingan niyo din mga punchlines niyo ha? Gawin niyong comedy bar.

“You are all some foolish and fraudulent clowns anyway. Then from there, let’s see who will have the last laugh.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending