K Brosas kinasuhan na ang contractor ng di matapos-tapos n'yang bahay | Bandera

K Brosas kinasuhan na ang contractor ng di matapos-tapos n’yang bahay

Reggee Bonoan - September 11, 2021 - 01:46 PM

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hinihintay namin ang pa-interview ng singer/actress at isa sa hurado ng programang Sing Galing na si K Brosas tungkol sa idinemanda niyang contractor ng bahay niya.

Nitong Biyernes ay nag-file ng kaso si K laban sa contractor dahil umabot na umano sa P7 milyon ang naibigay ay hindi pa rin tapos ang bahay at tuluyang nang iniwan na nakatiwangwang.

Ito ang pahayag ni K sa kanyang Instagram nitong Biyernes:

“Ilang taon na po ang nakakaraan ng may kinontrata ako para gawin ang aking bahay dahil sa kagustohan kong umiwas sa malaking babayarin sa pag upa ng townhouse at condominium unit. Isipin n’yo nga naman, sa ilang taong pag-aartista ko, ngayon pa lang ako nagpapagawa ng sariling bahay.

“Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang nabigay ko at kung tutuusin tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga, mahigit kumulang 7 milyon.. inabandona pa ng pinagkatiwalaan ko ang nasabing bahay. Maiintidihan n’yo naman siguro ako na pinaghirapan ko ‘yung pera na galing sa dugo, pawis at kakulangan ng tulog. Wala e, kelangan nating mangarap,” bungad kuwento ng mang-aawit.

Sinubukan daw ni K na kausapin ang taong pinagkatiwalaan niya sa bahay niya pero walang nangyari kaya labag man sa kalooban niya ay kailangan niyang daanin ito sa legal na paraan.

Aniya, “Ilang beses akong nakiusap, umiyak at humingi ng tulong, pero wala pa ding nangyari. Alam lahat ng kaibigan ko kung ilang beses nakong nag breakdown, napadalas uli ang anxiety attacks ko dahil sa sobrang stress masaya ako lagi sa trabaho ko pero lingid sa kaalaman ng iba pag hindi nakaharap sa camera, grabe ang bigat at depression ko dahil sa pangarap kong bahay na para din sa anak ko.

“Kaya napilitan akong maghain ng demanda kaninang tanghali sa tulong ng mga abogado ko at testigo ko. Kaya maraming salamat kina Atty. Nico Valderrama, Atty. Ramon Gerard S. Hernandez at Atty. Franco Aldo Cembrano.

“Naniniwala pa din ako sa justice system natin. I hope justice will be served at the end of the day.”

Maraming showbiz at non showbiz friends si K na suportado siya at iisa ang sabi, “Laban ate K” with matching emoji heart and praying.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending