Direk Paul Soriano na-bad trip daw sa presscon ni Vanessa Hudgens, biglang pinatigil ang interview? | Bandera

Direk Paul Soriano na-bad trip daw sa presscon ni Vanessa Hudgens, biglang pinatigil ang interview?

Ervin Santiago |April 01,2023
facebook
share this

Direk Paul Soriano na-bad trip daw sa presscon ni Vanessa Hudgens, biglang pinatigil ang interview?

Ervin Santiago - April 01, 2023 - 02:27 PM

Direk Paul Soriano na-bad trip daw sa presscon ni Vanessa Hudgens, biglang pinatigil ang interview?

Paul Soriano, Vanessa Hudgens, at Toni Gonzaga

“BAKA pagod at stress lang o pwede ring natensiyon lamang siya nang bonggang-bongga.”

Yan ang reaksyon ng ilang nakasaksi sa ginawa ng direktor na si Paul Soriano pagkatapos ng naganap na presscon ng Hollywood star na si Vanessa Hudgens sa isang restaurant sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Si Paul ang magdidirek ng gagawing travel documentary ni Vanessa sa Pilipinas para balikan ang kanyang pinagmulan kasama ang nanay niyang Pinay na si Gina Guangco at ang kapatid niyang si Stella.

Naroon din kami sa event kung saan game na game ngang sinagot ng international singer-actress ang mga tanong ng media, partikular na sa pagkakatalaga sa kanya bilang Global Tourism Ambassador is Pilipinas.

Pagkatapos ng mediacon which was hosted by the King of Talk Boy Abunda, pumila na ang ilang TV crew, mga entertainment editor at showbiz reporter para maka-one-one-one chikahan si Vanessa.

Ngunit makalipas ang ilang sandali bigla nga umanong na-bad trip si Direk Paul at pinatapos ang interview kay Vanessa. Maraming press ang nakasaksi sa nangyari kabilang na ang TV host at dating aktres na si Christine Jacob na nagko-cover din ng event para sa CNN Philippines.

Ayon sa mga nakarinig, ang dialogue diumano ng asawa ni Toni Gonzaga ay hindi raw niya kailangan ang press dahil “useless” naman daw ang mga ito kaya naman shookt ang mga reporters na naroon at naghihintay na makapanayam si Vanessa.

Naghintay kami ng ilang sandali para makausap sana si Direk Paul at maliwanagan ang nangyari ngunit narinig namin sa loob ng kwarto kung saan dinala si Vanessa na kumakanta na ng “Dahil Sa ‘Yo” bilang bahagi ng kanyang travel docu sa Pilipinas.

Baka Bet Mo: Toni Gonzaga na-meet nang personal si Vanessa Hudgens, Alex Gonzaga humirit

Pero ayon sa mga nakasaksi, medyo shock sila ng slight sa nangyari kaya naman naikumpara pa si Direk Paul kay Vanessa na napaka-accommodating at napakalambing sa press people.

Sabi nga ng ilang maswerteng naka-interview kay Vanessa bago pa mangyari ang insidente involving Direk Paul, super bait daw ng aktres at game na game na sinagot ang mga tanong sa kanya.

Kaya ang nagkakaisang tanong ng media na nagpunta sa event ni Vanessa – ano kaya ang issue ni Direk Paul sa press? Bakit parang ang bigat-bigat ng loob niya sa mga showbiz writer and reporter?

Hindi kaya pinepersonal na niya ang mga taga-media dahil sa mga kanegahang naibabalita about his wifey na si Toni? O, baka naman masama lang talaga ang timplada niya kahapon kaya ganern siya?

Sabi naman ng isang taga-press na nakausap namin, hindi naman daw nanigaw si Direk Paul at hindi rin niya pinalayas ang media. Feeling frustrated lang daw ito dahil may ilang eksena pa silang kailangang tapusin para sa travel docu ni Vanessa.

Bukod pa nga riyan ang naka-schedule na interview ng wifey niyang si Toni para sa YouTube channel nito.

Anyway, nagpadala na kami ng mensahe kay Direk Paul sa pamamagitan ng direct message sa kanyang official social media account para sa kanyang paliwanag sa nangyari.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa kami nakakatanggap ng sagot mula sa kanya. Agad naming ilalabas ang anumang magiging paliwanag niya hinggil sa isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending