Sa wakas, pangarap na baby shower ni Angelica natupad na: Napakasarap sa pakiramdam! | Bandera

Sa wakas, pangarap na baby shower ni Angelica natupad na: Napakasarap sa pakiramdam!

Ervin Santiago |August 03,2022
facebook
share this

Sa wakas, pangarap na baby shower ni Angelica natupad na: Napakasarap sa pakiramdam!

Ervin Santiago - August 03, 2022 - 09:56 AM

Angelica Panganiban at Gregg Homan

FEEL na feel na ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang pagiging mommy sa ginanap na baby shower para sa magiging first baby nila ni Gregg Homan.

Ayon kay Angelica, hindi niya maipaliwanag ang kaligayahang nararamdaman habang ginaganap ang pa-baby shower nila ng kanyang non-showbiz partner para sa panganay nilang anak.

Sa kanyang Instagram post, nag-share ang pregnant actress ng mga naging kaganapan sa baby shower na dinaluhan ng mga kaibigan niya in and out of showbiz.

Sabi ni Angelica sa caption ng mga ipinost niyang pictures sa IG, “Nangyari din sa buhay ko ang magkaro’n ng sariling baby shower.

“Napakasarap sa pakiramdam ang makasama ang mga pamilya, kaibigan at kapamilya na tunay na masaya at nakasuporta sa pinakamahalaga at pinaka-pinangarap kong papel sa buhay ko. Napakadami namang nagmamahal sa ‘min,” mensahe pa ng nagdadalang-taong aktres.

View this post on Instagram

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Super thankful din si Angelica sa kanyang Star Magic family na kumumbinsi sa kanya na magkaroon ng baby shower for her first “angel.”

“Sa aking Star Magic family, sa pagkulit sa ‘kin na masaya at kailangan ko ang baby shower sa life ko. SALAMAT sa pagbuo nito.

“Sa lahat ng nagpunta at nagpaabot ng pagmamahal. At s’yempre sa lahaaaat lahat ng bumuo para maging posible ang araw na ito,” aniya pa.

Ilan sa mga celebrity friends ng aktres na present sa baby shower ay sina Anne Curtis, Angel Locsin, Agot Isidro, Maxene Magalona, Cherry Pie Picache, Antoinette Jadaone, Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.

Noong nagdaang Marso ibinandera nina Angelica at Gregg na magiging mommy at daddy na sila at kasunod nito ang kanilang pa-gender reveal party — and yes, they are expecting a baby girl.

Sa isang Instagram post ni Angelica nagbahagi siya ng kanyang nararamdaman habang papalapit nang papalapit ang pagsilang ng kanyang first baby.

“Napaka-overwhelming ng lahat ng ito. Ganito pala ang pakiramdam ng makumpleto ka. Kahit mahirap, kahit nakakapagod, kahit nakakatakot, hindi ka pala magdadalawang isip magbigay lang ng magbigay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang sarap makaramdam ng purong pagmamahal. Ganito pala yung pagmamahal ng ina,” sey ng aktres.
Nitong nagdaang July naman ay nag-celebrate sina Angelica at Gregg ng kanilang second anniversary.

Baby shower para sa anak nina Angelica at Gregg star-studded, hirit ni Anne: ‘So, excited for you guys!’

Dimples shookt sa surprise baby shower party nina Angel at Bea: Yung look mo para sa shoot pero…

Angelica ibinandera ang lumolobong baby bump; super excited nang maging mommy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending