Eric Fructuoso umaming naging dyowa si Toni Gonzaga, tumagal din ng 3 years ang relasyon | Bandera

Eric Fructuoso umaming naging dyowa si Toni Gonzaga, tumagal din ng 3 years ang relasyon

Ervin Santiago |November 15,2023
facebook
share this

Eric Fructuoso umaming naging dyowa si Toni Gonzaga, tumagal din ng 3 years ang relasyon

Ervin Santiago - November 15, 2023 - 12:16 AM

Eric Fructuoso umaming naging dyowa si Toni Gonzaga, tumagal din ng 3 years ang relasyon

Eric Fructuoso at Toni Gonzaga

NAPILITANG umamin ang aktor at dating miyembro ng grupong Gwapings na si Eric Fructuoso na naging dyowa niya noon si Toni Gonzaga.

Shocked si Eric nang diretsahan siyang tanungin ni Carmina Villarroel kung totoo bang nagkaroon sila ng seryosong relasyon noon ng TV host-actress.

Sumalang kasi sa hot seat si Eric sa isang segment ng Kapuso weekly talk show na “Sarap ‘Di Ba?” hosted by Carmina with her twins Mavy and Cassy Legaspi.

“Totoo ba, na nagkarelasyon kayo noon ng TV host-actress na si Toni Gonzaga?” ang diretsahang tanong ni Carmina kay Eric.

Kitang-kita ang pagkagulat ng aktor sa tanong at ilang segundo ring hindi nakapagsalita.

“Parang ‘di ko in-expect ‘yon ah!” ang natatawang sabi ni Eric.

“Actually ako rin,” ang komento naman ni Carmina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Tinanong muna ni Eric kung sinong Toni Gonzaga ang tinutukoy ni Carmina na sinagot naman ng aktres ng, “Iisa lang naman ang Toni Gonzaga ngayon.”

“Oo meron! Ha-hahaha! Tinanong pa eh!” hirit ni Eric.

Baka Bet Mo: Eric Fructuoso magiging lolo na, payo sa ikakasal na anak: Wag kang magpapadala sa mga tukso!

“Ah, so nagkaroon kayo ng relationship?” ang follow-up question ni Carmina.

“Yes, yes,” ang tugon naman uli ni Eric kasabay ng pagsasabing mas nauna raw ang naging relasyon nila ni Claudine Barretto kesa kay Toni.

Gaano naman katagal ang naging relasyon nila ni Toni, tanong uli sa aktor. Sagot ni Eric, kung pagsasamahin daw ang “wala lang” at may commitment phase, aabot daw ng almost three years.

“Ang tatagal ng relationships mo, ha?” ang reaksyon naman ni Carmina.

“Hindi naman ako chickboy, minamahal ko naman (ang mga nakakarelasyon),” pagtatanggol naman ni Eric sa sarili.

Nang tanungin kung ano ang naging dahilan kung bakit hindi nag-work ang relasyon niya kina Claudine at Toni, hirit ni Eric, “Nagising sila sa katotohanan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming nababasang reaksyon ni Toni tungkol sa rebelasyon ni Eric.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending