Carmina pakialamerang nanay nga ba pagdating sa lovelife nina Mavy at Cassy? | Bandera

Carmina pakialamerang nanay nga ba pagdating sa lovelife nina Mavy at Cassy?

Ervin Santiago |November 07,2023
facebook
share this

Carmina pakialamerang nanay nga ba pagdating sa lovelife nina Mavy at Cassy?

Ervin Santiago - November 07, 2023 - 06:10 AM

Carmina pakialamerang nanay nga ba pagdating sa lovelife nina Mavy at Cassy?

Zoren Legaspi, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi at Carmina Villarroel

NANINIWALA si Carmina Villarroel na may karapatan ang mga magulang na pagsabihan at gabayan ang kanilang mga anak pagdating sa pakikipagrelasyon.

Ayon sa Kapuso TV host-actress, isa sa mga responsibilidad ng mga parents ang masigurong mapupunta sa tamang tao ang kanilang mga anak sakaling pumasok na rin ang mga ito sa serious relationship.

Sa nakaraang episode ng “Sarap Di Ba?” ng GMA, diretsahang tinanong si Carmina kung nagkaroon na ba ng pagkakataon na nakialam siya sa love life ng mga anak nila ni Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy.

Si Carmina kasi ang sumabak sa hot seat ng programa nitong nagdaang Sabado, November 4, kung saan napag-usapan nga ang tungkol sa relasyon ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Paliwanag ni Mina, hindi raw niya masasabing pakikialam ang ginagawa niya bilang nanay ng kambal nila ni Zoren, mas gusto niyang tawagin itong paggabay lamang sa mga anak.

Baka Bet Mo: Carmina ‘best blessing’ para kina Mavy at Cassy: A mother’s love is a different kind of love…

Pahayag ni Carmina, “I don’t want to say pakikialam. Ayokong isipin na nakikialam ako, kasi parang negative ‘yung word na ‘yun e. It’s more of feeling ko mas guidance and siguro ‘yung observation ko.

“Pareho ‘yan kay Maverick and kay Cassandra. It doesn’t matter kung sino sa kanila. Kung mayroon akong nakikita na hindi maganda, especially na hindi maganda, I tell my kids,” pagbabahagi pa ng aktres na napapanood pa rin ngayon sa GMA afternoon series na “Abot-Kamay Na Pangarap.”

Mariin pang sey ni Mina, “Siguro naman bilang mga magulang at mga nanay kayo, ay may mga karapatan tayo because we just want to guide them and you see everything.”

Sa isang bahagi ng programa, tinanong din ng guest co-host nilang si Donita Nose kung ano ang magiging reaksyon ni Carmina sakaling hindi niya type ang magiging partner ng kanyang mga anak.

Agad na nagsalita si Mavy at siya na sumagot para sa kanyang nanay, “Hindi ko ilalagay si mama sa lugar na ‘yun. Hindi mangyayari ‘yun.”

Super touched naman si Mina sa sinabi ng binatang anak kay niyakap niya ito pati na rin si Cassy.

Baka Bet Mo: Carmina Villarroel ibinuking ang real score sa pagitan nina Cassy at Darren

Sa isang panayam, sinabi rin ni Carmina na ang ang lagi niyang sinasabi, sana raw ay hindi maranasan nina Mavy at Cassy ang mga kanegahang na-experience niya noong bata pa siya.

“Bilang nanay, siyempre ayaw ko sana ma-experience nila ‘yung inaapakan sila ng ibang tao or ‘yung kinakawawa sila or ‘yung inaapi sila.

“Pero lagi ko naman sinasabi sa mga anak ko na always be kind, maging respectful sa lahat ng tao and ‘m proud to say na ‘yung mga anak ko kasi mababait talaga, e,” pahayag ng aktres.

Dagdag pa niya, “They are very respectful, so alam ko na magiging okay sila, but I always tell my kids you cannot please everybody, meron at merong maiinis sa inyo, meron at merong mangba-bash sa inyo.

“And I’m also very thankful because ‘yung mga kids ko, especially ngayon with social media you know they have their accounts, meron talagang ilang bashers,” lahad pa ng misis ni Zoren.

“Yun naman sinasabi ko na hindi puwede mawala ‘yan, because kahit nga ‘yung pinaka-santa, e, may against. Nakakatuwa rin na makita na hindi sila apektado kung may mabasa man silang comments o post mula sa kanilang bashers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Buti na lang sila they don’t care. They don’t care as long as wala silang inaapakang tao and they are just minding their own business, okay sila. Hindi sila affected kapag sila ‘yung bina-bash. Affected lang sila ‘pag kami ang bina-bash,” chika pa ng mommy nina Mavy at Cassy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending