Chito ipinagyabang kung gaano kaswerte kay Neri: Aminin n’yo naka-jackpot ako!
FEELING naka-jackpot talaga ang Parokya Ni Edgar frontman na si Chito Miranda sa kanyang asawang si Neri Naig.
Hindi nagsasawa ang OPM singer-songwriter sa pagpapasalamat at pagpuri kay Neri bilang napakabuting asawa at nanay.
Sa kanyang Instagram page, nagbigay uli ng pa-tribute si Chito sa kanyang misis nitong nagdaang Sabado, Dec. 12, isang araw bago ang kanilang 6th wedding anniversary.
“Pic pa lang, alam na ng lahat na nagyayabang ako eh…no explanation needed,” simulang caption ni Chito sa litrato ni Neri.
“Obvious naman na pinagmamalaki ko kung gaano kaganda ang asawa ko, at kung gaano ako kaswerte na pinakasalan n’ya ako.
“Pero aside sa pagiging maganda, mas proud ako for the things na hindi nakikita sa picture. Sobrang bait n’ya talaga.
“Talagang gusto n’ya makatulong sa lahat ng pwede n’yang tulungan. Madiskarte, pero may malasakit…hindi ‘yung sarili lang ang iniisip,” pahayag ng singer.
Patuloy pa niya, “Gusto n’ya talaga na umunlad lahat…kumbaga, hilahan pataas.
“She strives for excellence and success without having the need to put others down,” dagdag pa ni Chito.
Paglalarawan pa niya kay misis, “Strict (SOBRA), pero grabe din mag-spoil. Napaka-sweet. Napaka-considerate.
Napaka-forgiving and patient…trust me, I know (but don’t mistake her kindness for weakness).”
“Matalino, pero always willing to listen. Fearless, pero humble enough to acknowledge the fact that she still has a lot to learn.
“Hardworking. Hindi maarte. Mas gusto magtrabaho at mag-ipon, kesa gumastos,” chika pa ng bokalista ng Parokya.
“Masarap magluto, and higit sa lahat, masarap hehe! Aminin n’yo, naka-jackpot ako. Aminado talaga ako that I am blessed to have her as my wife,” pagtatapos ni Chito.
Siyempre, hindi rin nagpatalbog si Neri. Nagbigay din siya ng mensahe kay Chito para sa kanilang wedding anniversary.
Inilarawan niya si mister bilang “the best husband, the best father,” at “best friend”.
“Palagi mo akong pinapatawa, you wiped my tears, watched me succeed, saw me fail. Palagi kang nasa tabi ko at ‘di ako pinapabayaan.
“Andito ka palagi para gabayan ako, pagsabihan ako, at higit sa lahat ay mahalin ako ng buong buo.
“You are the dream husband every girl wants to have pero ako yung maswerte to have you all for myself.
“Thank you for being the best husband, the best father, at higit sa lahat, my best friend forever. I love you, I love you, I love you soooo much! Magbaby na ulit tayo! Hehe!” pahayag ni Neri.
Ikinasal sina Chito at Neri noong Dec. 13, 2014 at biniyayaan ng isang anak na pinangalanan nilang Miggy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.