Eric Fructuoso matindi ang natatanggap na indecent proposal mula sa mga beki: Binabastos ako agad! Bandera

Eric Fructuoso matindi ang natatanggap na indecent proposal mula sa mga beki: Binabastos ako agad!

Ervin Santiago |September 14,2021
share this

Eric Fructuoso matindi ang natatanggap na indecent proposal mula sa mga beki: Binabastos ako agad!

Ervin Santiago September 14, 2021 - 11:11 AM

Eric Fructuoso

“NAKAKA-DEGRADE!” Yan ang reaksyon ng dating matinee idol na si Eric Fructuoso sa mga natatanggap niyang indecent proposal mula sa mga bading.

Inamin ng aktor na nababastusan at nao-offend siya sa mga offer na nakukuha niya mula sa mga netizens sa pamamagitan ng social social media.

Talaga raw lantaran ang pagyayaya sa kanya ng mga beki (na makipag-sex) kapalit ng pera at halos araw-araw daw siyang nakakatanggap ng mga indecent proposal.

Nabanggit ito ni Eric nang mag-guest sa YouTube vlog ng kaibigang si Mark Herras na umaming nakakatanggap din ng offer mula sa mga beki pero hindi naman daw diretsahan.

Sabi naman ni Eric, “Bakit ako, binabastos ako kaagad? Ako rekta, e. Nandito. Lahat, ha. Nasa messages yung lahat na mga… (offer) rekta na. Ganitong amount, ‘Go here na.’

“Tapos may emoticon na yun, yung parang tubig-tubig. Ang dami, mapa-any gender. Ibig sabihin, hindi lalaki. Pero to that point na pati babae. As in,” chika pa ni Eric.

Dagdag pang chika ng aktor,  “Alam mo yun, parang nakaka-hurt. Kasi parang wala ba namang respeto.

“Ano ba namang ilibre mo lang muna ako, i-date mo muna ako. Lahat sila ganu’n. Nakaka-degrade,” aniya pa.

Kung matatandaan, naikuwento rin ni Eric sa isang panayam na nakatanggap na rin siya noong kabataan niya ng P1-milion offer mula sa isang rich gay pero hindi niya ito tinanggap.

Sa katunayan, sinabihan niya ang bading na tatapatan niya ang offer nito sabay pirma ng P1 milyon sa kanyang check book at ibinato sa kausap, “Buti na lang hindi niya kinuha, kundi tatalbog!”

Samantala, sa isang bahagi ng vlog, natanong din ang aktor kung sino sa mga naging dyowa niya noon ang nasaktan niya nang bonggang-bongga na ikina-guilty niya.

“Kasama pangalan? Buong pangalan? Sabagay, kahit hindi buong pangalan, alam na, e,” ani Eric. “Hurt them emotionally, physically?”

Bigla namang natawa si Mark sabay sabing, “Grabe yung physically!”

“Sexually pala. Hindi pala physically. Actually, ako yung nasasaktan lagi, e. Kung emotionally, ah,” sey uli ni Eric.

“Huwag ko nang banggitin pangalan baka magkagulo buong mundo,” aniya pa.

Ilan sa mga female stars na na-link noon sa aktor ay sina Claudine Barretto, Toni Gonzaga, Ara Mina, Aubrey Miles, Joyce Jimenez at Priscilla Almeda.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending