Pinay hiniya ng asawang Amerikano sa socmed, tinawag na 'scam'

Pinay hiniya ng asawang Amerikano, tinawag na ‘scam’ at ‘golddigger’

Ervin Santiago - January 06, 2025 - 06:00 AM

Pinay hiniya ng asawang Amerikano, tinawag na 'scam' at 'golddigger'

Jay Anne at Chad2Dad

NAG-AALALA ang ilan nating mga kababayan para sa isang Pinay na hiniya ng kanyang asawang Amerikano sa pamamagitan ng social media.

Maraming nakisimpatya kay “Jay Anne” matapos mapanood ang TikTok video ng asawa niyang US citizen na si “Chad2Dad” kung saan ibinahagi nito ang saloobin tungkol sa pagsasama nila ng kanyang wifey.

Ito’y nay kinalaman sa pagnanais ni Jay Anne na makipag-divorce na kay Chad2Chad. Ang reklamo ng Kano, feeling niya, nais na siyang iwan ni Jay Anne dahil nakuha na nito ang umano’y matagal na nitong pangarap, ang magkaroon ng “green card.”

Nanirahan ang mag-asawa sa Hawaii at ngayon nga ay nais na ni Jay Anne na tapusin na ang relasyon nila ng mister na Kano sa pamamagitan ng divorce at nais na rin niyang bumalik sa Pilipinas.

Baka Bet Mo: Amerikano champion pa rin sa kainan ng hotdog, wagi ng P5.6-M

Pero base sa pahayag ni Chad2Chad sa kanyang TikTok video, gusto na siyang layasan ng asawa dahil nakuha na nito umano ang tunay na pakay sa pagpapakasal sa kanya, ang maging ganap nang American citizen.

Sa kanyang post, mababasa pa ang mga hashtag na “#scam” at “#golddigger” na pinaniniwalaang patungkol kay Jay Anne.

Sinagot naman ni Jay Anne ang mga akusasyon ng asawa sa kanyang TikTok account. Todo denay siya na gusto na niyang iwan si Chad dahil meron na siyang green card.

Rebelasyon ni Jay Anne, inaabuso at binabastos daw siya ng asawa pati na ang kanyang mga magulang.

“I think the word Americanized has nothing to do with someone who is disrespectful especially to your people, let’s say that you’re closest people. It’s because he disrespected my parents, screaming, snatching some things verbally and physically.

“So what I am thinking that time, you are freely disrespecting me and abusing me. I think that’s enough. You can do it 24/7 to me, you can do it anytime, but to the point that you gonna be disrespecting my people especially my parents, I think that’s what you know, draw the line,” depensa ni Jay Anne sa sarili.

Ang pananakit umano sa kanya at pambabastos ng kanyang mister sa kanyang mga magulang ang totoong dahilan kung bakit gusto na niyang ideborsyo si Chad.

Dalawang taon nang nagsasama ang dalawa sa US bilang mag-asawa at ayon kay Jay Anne, ayaw daw talaga niyang layasan ang asawa alang-alang sa kanilang mga anak ngunit nasagad na siya sa ginagawa nito sa kanya at sa pamilya niya.

In fairness, feeling thankful naman daw si Jay Anne sa lahat ng naibigay sa kanya ni Chad pero nilinaw niya na lahat ng ipinadadala niya sa pamilya niya sa Pilipinas ay galing sa sarili niyang pera.

Sa hiwalay pang TikTok video, siniguro ni Jay Anne na maayos at ligtas naman siya at ang mga anak matapos ngang mag-alala ang mga kapwa Pinoy na tumututok sa kanya sa TikTok.

Kasunod nito, nabanggit din ni Jay Anne na hindi siya tumatanggap ng kahit na anong uri ng donasyon tulad ng nababalitaan niya.

Sey pa ni Jay Anne, hindi na sila magkasama ngayon sa iisang bahay ni Chad ngunit nagkausap na raw sila tungkol sa ipinagbubuntis niya ngayon.

Very soon ay uuwi na raw muna siya ng Pilipinas para makasama muli ang kanyang pamilya.

Narito ang mga reaksiyon na nabasa namin mula sa mga netizens.

“Get the best lawyer money can buy!!! Will worth it at the end!!!”

“He says you won’t leave because you’re pregnant. Girl; please try to leave anyway!!!! He is DANGEROUS!!!”

“Girl we need updates from you. we’re worried for you staying in the same house as that man. he keeps posting nonsense, if possible please get out of there.”

“I knew there was so much more to that story. Run.”

“For non Tagalog speakers, she is talking about how she could see the hurt in her parents faces’ because of how disrespectful her husband was to them, though they didn’t say anything.”

“Get a lawyer. I know a narcisist when I see one. He will make it as difficult as possible and you need protection and help. Good luck. ”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“He was trying to embarrass Jay Anne but he didn’t notice that he is the one embarrassing himself.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending