Amerikano champion pa rin sa kainan ng hotdog, wagi ng P5.6-M
WAGI ng US$100,000 o mahigit sa P5.6 million ang Amerikanong si Joey Chestnut matapos makaubos ng 83 piraso ng hotdog sa loob lamang ng 10 minuto.
Pinatunayan ni Joey na siya pa rin ang nag-iisang hari sa kainan ng hotdog sa buong mundo sa naganap na hotdog eating contest nitong September 3, 2024 bilang bahagi ng Labor Day special ng Netflix.
Dahil sa naubos na 83 hotdogs ni Joey sa naturang contest, ito na ang itinuturing na bagong world record sa lahat ng isinasagawang hotdog eating contest.
Baka Bet Mo: ‘Hotdog’ na ang tawag ngayon ng netizens kay Mavy Legaspi dahil sa viral ‘Family Feud’ survey question
Winasak ni Joey ang sarili niyang record noong 2021 kung saan nakaubos siya ng 76 piraso ng hotdog.
Pinatumba niya sa lafangan ang mortal niyang kalabang Japanese na si Takeru Kobayashi na nakaubos lamang ng 67 hotdogs sa kumpetisyon.
Napanood nang live ang sagupaan nina Joey at Takeru sa programang “Chestnut vs. Kobayashi: Unfinished Beef”sa Netflix. Sila ang itinuturing na pinakasikat pagdating sa paglafang ng unli hotdog.
Mensahe ni Joey sa kanyang latest win, “I’ve been trying to hit 80 hotdogs for years, and without Kobayashi I was never able to.”
Talaga raw mortal na magkalaban ang tingin nila ni Takeru sa isa’t isa, “He drives me. We weren’t always nice to each other, but we push each other to be our best.”
Baka Bet Mo: Pokwang hindi na papayagang mahiram ni Lee O’Brian ang anak na si Malia: ‘Happy kaming wala ka!’
Ilang beses nang naglaban ang dalawa sa Nathan’s Famous Fourth of July International Hotdog Eating Contest sa Coney Island, New York.
Si Takeru ang nagwagi sa naturang contest mula 2002 hanggang 2007 pero pinataob siya ni Joey taong 2008 at 2009. At mula nga noon, siya na ang itinanghal na winner sa loob ng 17 taon.
Ngunit pagsapit ng 2023, natalo siya sa contest kung saan nakaubos lang siya ng 63 hotdogs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.