Joey Reyes: Don’t give media space to a drama queen mother
NAKIUSAP ang FDCP Chairman na si Joey Reyes sa media patungkol sa mas umiingay na sigalot sa pagitan ng two-time gold medalist na si Carlos Yulo at ng kanyang ina na si Angelica Yulo.
Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi ng direktor ang kanyang sentimento tungkol sa isyu ng atleta sa kanyang ina.
“My dear colleagues in the media: He just lifted the spirit of the nation by winning TWO OLYMPIC GOLD MEDALS. The people are overwhelmed with pride and joy,” saad ni Direk Joey.
Kaya naman sana ay sa halip na mag-focus sa isyu ni Carlos sa kanyang ina ay sana raw mas bigyang highlight ang ibinigay na karangalan ng binata sa ating bansa.
Baka Bet Mo: Joey Reyes, entertainment site nag-react na sa kasong cyberlibel ni Liza Diño
View this post on Instagram
“So please don’t give media space to a drama queen mother who wants to tarnish the moment of GLORY of HER OWN SON regardless of personal reason,” sey pa ni Direk Joey.
Aniya, dapat raw ay huwag nang pansinin ang narrative ng ina ni Carlos.
Giit pa ng direktor, “MABUHAY KA, CALOY!
MABUHAY ANG MGA ATLETANG PILIPINO!”
Ngunit sa kabila ng magandang punto ni Direk Joey ay hindi pa rin maiwasan na mabigyan ng spotlight ang ina lalo na at nagkakaroon na ng sagutan mula sa galawang panig.
Maging ang kapatid ni Carlos ay nagsasalita sa social media bagay na mas nagpapalala ng isyu.
Samantala, ngayong araw ay nagsagawa ng press conference ang ina ni Carlos kung saan isiniwalat niya ang kanyang nararamdaman sa mas lumalaking isyu sa pagitan nila ng anak.
Hindi ako perpektong ina at alam ng Diyos na hindi ka rin perpektong anak at walang perpektong pamilya. Walang hangad ang isang ina kundi ang ikabubuti ng kanyang anak at sa bawat miyembro ng pamilya.
“Sa paraan ng marahas, maingay sana ay maunawaan mo na ang intensiyon ko ay malinis. Ako ay isang ina na nasaktan dahil ang mabait na anak na pinalaki ko ng maayos at mabuting tao ay hindi na nakikinig sa mga paggabay ng magulang.
“Kung mali man ang naging pagpuna ko sa mga ginawa mo ay humihingi ako na patawad dahil nanay lang ako na nag-aalala. Matanda ka na at kaya mo nang magdedisyon para sa sarili mo.
“Bukas ang ating tahanan, may pera ka man o wala, bukas ang pintuan kung nanaisin mong bumalik sa amin.
“Hindi na pwedeng bawiin ang nasabi, ang amin lang handa na ako at ang papa mo na mag-usap tayo na bukas ang loob anumang oras na handa ka pag-uwi mo upang maayos ito,” saad ng ina ni Carlos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.