Joey Reyes, entertainment site nag-react na sa kasong cyberlibel ni Liza Diño
NATAPOS na namin sulatin dito sa BANDERA ang official statement ng legal counsel ni dating FDCP Chairperson Liza Dino na si Atty. Regie Tongol bago kami sinagot ng news editor at writer ng Philippine Entertainment Portal o PEP na si Rachelle Siazon sa hiningi naming statement mula sa panig nila.
Sa Facebook post ni Ms. Liza, pinangalanan niya ang PEP sa sinampahan niya ng kasong 78 counts of cyberlibel at ang ibang kasama ay hindi niya binanggit.
Pero sa official statement naman ng abogado niyang si Atty. Regie ay pinangalanan niya ang mga personalidad na kasama.
Kabilang ang editor-in-chief ng PEP na si Ms. Joan Maglipon at news editor-writer na si Rachelle, pati ang dating FDCP Chairperson na si Tirso Cruz lll at ang kasalukuyang chairman at CEO ng nasabing ahensiya ng gobyerno na si Direk Jose Javier Reyes.
Anyway narito ang statement ng PEP mula sa legal counsel nilang si Atty. Ana Alexandra Castro ng Yorac, Sarmiento, Arroyo, Chua, Coronel at Reyes Law Firm.
Baka Bet Mo: Tirso Cruz, Direk Joey Reyes kinasuhan din ng cyberlibel ni Liza Diño
“As of date, PEP has yet to receive any papers or documents from the Quezon City Office of the City Prosecutor (QC OCP); and thus, it cannot comment yet on the alleged complaint.
“In the event that such papers or documents are received, PEP intends to avail of any and all legal remedies available to it, and shall intently cooperate with the QC OCP for the proper resolution of the said complaint.”
Samantala, nagpadala kami ng mensahe through FB messenger sa kasalukuyang FDCP chairman na si Direk Joey para hingan din siya ng komento tungkol sa demanda.
Aniya, “Hi Reggee: There seems to be an anomaly somewhere because in the official statement of Atty. Tongol, I am included in the complaint but various people sent me screen captures of the actual list of people involved and I am not there.
“So I am somewhat confused/amused if I am involved at all. Thus, I cannot give any comment because I do not know the contents of the complaint nor am I sure that I am included in the list. Have a good weekend.”
Pinadalhan din naming ng mensahe ang dating FDCP chairperson na si Ginoong Tirso Cruz lll pero hindi pa kami sinagot hanggang matapos naming sulatin ang balitang ito.
Bukas ang BANDERA sa panig ni ginoong Tirso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.