Pokwang hindi na papayagang mahiram ni Lee O'Brian ang anak na si Malia: 'Happy kaming wala ka!' | Bandera

Pokwang hindi na papayagang mahiram ni Lee O’Brian ang anak na si Malia: ‘Happy kaming wala ka!’

Ervin Santiago |March 21,2023
facebook
share this

Pokwang hindi na papayagang mahiram ni Lee O’Brian ang anak na si Malia: ‘Happy kaming wala ka!’

Ervin Santiago - March 21, 2023 - 06:46 AM

Pokwang hindi na papayagang mahiram ni Lee O'Brian ang anak na si Malia: 'Happy kaming wala ka!'

Lee O’Brian, Pokwang at Malia

MARAMI ang nagtatanong kung nakakasama pa ng anak ni Pokwang na si Malia ang Amerikano niyang ama na si Lee O’Brian.

Patuloy ang ginagawang panglalaglag at pagpo-post ni Pokwang ng mga kasiraan ni Lee sa kanyang social media accounts matapos silang maghiwalay ilang buwan na ngayon ang nakararaan.

Talagang masasakit at maaanghang ang pinakakawalang salita ng Kapuso comedienne laban sa dati niyang ka-live in at tatay ng kanyang ikalawang anak.

Kaya naman ang iniisip ngayon ng mga netizens, paano na si Malia? Pinapayagan pa rin ba ni Pokey ang pinalayas na American actor na makita at mahiram ang anak nilang si Malia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Sa kanyang Instagram account, nag-post si Pokwang ng isang maikling video kung saan mapapanood ang nakakaaliw na chikahan nila ng super cute na anak.

Baka Bet Mo: Pokwang sinigurong wala nang second chance sa relasyon nila ni Lee O’Brian: Basta OK na OK na ako, bye!

Sabi ni Pokey sa caption, “Hahahahahaha! Maliaaaaa!!!!! Hindi kana nga nakatulong sa pagbabagahe ko kinalat pa mga costume ko!!!!!

“Sige! hala! #Happykamingwalaka #itoangmgadimonamakikitasaanakmo,” ang sabi pa ng Kapuso TV host at aktres.

Base sa mga hashtags na ginamit ni Pokwang, mukhang hindi na nga niya pinapayagan si Lee na dumalaw kay Malia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Sa comments section ng IG post ni Pokwang, may netizen ang nagtanong tungkol sa visitation rights ni Lee sa bata.

“@itspokwang27 Wala na ba sya visitation rights? Or not allowing him na hiramin si tisay Ganda?” pang-uusisa ng isang IG follower ni Pokey.

Reply sa kanya ng Kapuso star, “Ayoko po, nope! Hahahahaha! anakan!”

Nitong mga nakaraang linggo, sunud-sunod ang mga banat ni Pokwang sa dating dyowa. Aniya, hangga’t hindi nagso-sorry si Lee sa kanyang mga anak na sina Mae Subong at Malia ay hindi niya ito patatahimikin.

Nauna rito, nabanggit din ni Pokey na inaayos na niya ang mga legal documents para matanggal na ang apelyido ni Malia na “O’Brian” at isunod na ito sa surname niyang “Subong.”

Tinawag din niyang “manggagamit”, “batugan” at “patabaing biik” ang dating dyowa. Sa kabila ng lahat ng ito, wala pa ring reaksyon si Lee.

Pokwang inaming hindi nagustuhan ni Lee nang malamang preggy siya, ipapabago ang apelyido ni Malia

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang nag-‘delete’ ng tao sa buhay nila, ipinagpalit nga ba sa mas ‘chaka’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending