Misis ni Zeus hindi bibitaw: Kahit itlog at hotdog lang ang ulam

Misis ni Zeus hinding-hindi bibitaw: Kahit itlog at hotdog lang ang ulam

Ervin Santiago |January 07,2024
facebook
share this

Misis ni Zeus hinding-hindi bibitaw: Kahit itlog at hotdog lang ang ulam

Ervin Santiago - January 07, 2024 - 08:27 AM

Misis ni Zeus hinding-hindi bibitaw: Kahit itlog at hotdog lang ang ulam

Pauline Redondo ar Zeus Collins

BAGO mag-baby, gusto munang i-enjoy ng actor-dancer na si Zeus Collins ang pagsasama nila ni Pauline Redondo bilang mag-asawa.

Nito lamang nagdaang December ikinasal ang dalawa kaya nais nilang pagtutuunan muna ng atensiyon at panahon ang isa’t isa.

Plano nilang mag-travel sa iba’t ibang lugar na matagal na nilang gustong puntahan bilang bahagi ng kanilang #RelationshipGoals as a married couple.

Ayon kay Zeus, mas tumindi at mas naging solid pa ang relasyon nila ni Pauline ngayong may basbas na ng Diyos ang kanilang pagiging mag-partners.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zeus Collins (@hashtag_zeuscollins)


“Siguro mas naramdaman namin kasi binless na kami ni Lord so pakiramdam namin mas lalong tumibay ang relasyon naming dalawa,” pahayag ng Kapamilya actor nang mag-guest sila ng kanyang wifey sa “Magandang Buhay.”

Sey naman ni Pauline, “For me naman po, parang mas kinikilig ako every time na gigising ako, kasi paggigising ako, ah eto na ang katabi ko for the rest of my life.

Baka Bet Mo: Chie Filomeno sa nagpakalat ng tsismis na may sex scandal siya: Dali send mo sa ‘kin! Bardagulan gusto n’yo, eh!

“Parang nagsi-sink in pa siya sa akin. Kasi dati parang pwede pa kaming maghiwalay pero kasi ngayon eto na yon. So kapag nauuna akong nagigising sa kanya nagpi-pray lang ako na Lord, thank you kasi pogi, oh!” ang nakatawang chika pa ni Pauline.

Naniniwala ang bagong-kasal na ang kanilang pananampalataya sa Diyos ang  pinakamahalagang factor sa kanilang relasyon.

“Ako talaga ang main ko ay si Lord talaga, kasi lahat tayo dadaan sa problema lalo na sa boyfriend-girlfriend nandiyan pa ang selosan.

“Kahit sa mag-asawa nagkakatampuhan pero wala kang ibang kailangang lapitan kung hindi si Lord lang kasi ibibigay ni Lord kung sino ang mga kaibigan mo na makakatulong sa iyo. Para sa akin ay number 1 si Lord na lapitan,” sey ni Zeus.

Lahad naman ni Pauline, “Same po kasi I remember talking sa church namin. Sinabi ko na mas importante sa akin ‘yung relationship niya with God kaysa ‘yung relationship niya with me.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pauline Redondo Arellano (@mykapaulinee)


“Kasi everything will fall into place kapag Siya ang center ng lahat,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Pauline Mendoza kering-keri ang gumanap na mahirap sa serye: Tingin ko nakaka-relate ang viewers sa akin

Nagbitiw pa ng pangako sa isa’t isa ang mag-asawa kahit ano raw ang mangyari ay hindi sila bibitaw sa kanilang pagmamahalan.

“Simula pa lang ng journey natin bilang mag-asawa. Talagang huwag tayong magpatinag sa kung anumang problema ang dumating sa atin.

“Mas lalo pang tumibay tayo sa isa’t isa, at saka walang bibitaw, walang iwanan, mahalin pa natin ang isa’t isa,” promise ni Zeus sa kanyang misis.

“Ako, siguro ‘yung sa wedding vows sinabi ko sa iyo roon na kahit itlog at hotdog lang ang uulamin natin araw-araw ulit ay mag-i-stay ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gusto ko iparamdam sa iyo na kahit mawala ang mga ito ay it’s me and you till the end,” sey naman ni Pauline.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending