Hashtag Zeus Collins umaming walwal noon pero binago ng fiancèe: 'Doon ako nakaramdam ng takot at hiya...dahil sa kanya mas napalapit ako kay Lord' | Bandera

Hashtag Zeus Collins umaming walwal noon pero binago ng fiancèe: ‘Doon ako nakaramdam ng takot at hiya…dahil sa kanya mas napalapit ako kay Lord’

Ervin Santiago |July 26,2023
facebook
share this

Hashtag Zeus Collins umaming walwal noon pero binago ng fiancèe: ‘Doon ako nakaramdam ng takot at hiya…dahil sa kanya mas napalapit ako kay Lord’

Ervin Santiago - July 26, 2023 - 07:37 AM

Hashtag Zeus Collins umaming walwal noon pero binago ng fiancèe: 'Doon ako nakaramdam ng takot at hiya...dahil sa kanya mas napalapit ako kay Lord'

Zeus Collins at Pauline Redondo

DIRETSAHANG inamin ng actor-dancer na si Zeus Collins na naging “walwal” din siya noong kanyang kabataan, lalo na pagdating sa barkada at babae.

Sabi ng isa sa mga miyembro ng all-male group na “Hashtags”, may mga nagawa rin siyang kalokohan sa buhay na pinagsisisihan niya pero marami raw siyang natutunan sa mga kanyang past.

Sa panayam ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel, sinabi ni Zeus na biglang nagbago ang takbo ng buhay niya nang makilala niya ang fiancée na si Pauline Redondo.

Sa isang bahagi ng video, tinanong ni Papa P ang binata kung masasabi ba niyang swerte sa kanyang buhay ang pagdating ni Pauline?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zeus Collins (@hashtag_zeuscollins)


Tugon ni Zeus, “Sobrang suwerte, as in. Ano eh, nag-switch ako noong nakilala ko siya. Kasi ‘yung wala pa siya sa buhay ko, as in walwal din ako.

“Siyempre Hashtags, makikita mo ‘yong mga babae. Nagkaka-girlfriend din ako pero wala, ganoon pa din,” pagpapakatotoo ni Zeus.

Baka Bet Mo: Chie Filomeno sa nagpakalat ng tsismis na may sex scandal siya: Dali send mo sa ‘kin! Bardagulan gusto n’yo, eh!

“Hanggang sa dumating siya. Doon ko talaga nakita na, para akong nakaramdam ng takot, nakaramdam ako ng hiya, ‘yong nakaramdam ako ng respeto sa babae na, hindi pala ganoon,” aniya pa.

Dahil din daw kay Pauline kaya siya mas napalapit sa Diyos, “Ang dami kong na-realize noon. Tapos dahil din sa kanya, mas lalo akong napalapit kay Lord, kasi Christian siya, hanggang sa naging Christian din ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zeus Collins (@hashtag_zeuscollins)


“Kaming dalawa, nagtse-church kami together every sunday. As in, napakasuwerte ko na nakilala ko siya.

“Nabago niya ‘yong buhay ko, ‘yong pananaw ko sa buhay, as in lahat,” pahayag pa ni Zeus.

Naibalita rin ng aktor at dancer na talagang halos masaid siya noon sa pera nang magkaroon ng pandemya.

At abot-langit ang pasasalamat niya dahil maganda ang naging resulta ng pagsugal niya sa negosyo.

Hashtag Zeus Collins nag-propose sa non-showbiz dyowa habang naglalaro sa Star Magic 30th All Star Game

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakaramdam nga ba ng inggit si Julia Montes sa pagsikat ni Kathryn Bernardo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending