Bela Padilla, Marco Gumabao nanakot, nagpatawa, nagpakilig, nagpaiyak sa ‘Spellbound’: ‘Grabe yung walwalan scene!’
ISA na siguro sa pinakamagandang pelikulang Filipino na napanood namin nitong mga huling nagdaang taon ay ang latest offering ng Viva Films na “Spellbound.”
Ito ang Pinoy adaptation ng Korean blockbuster film na “Spellbound” na siyang magiging pre-Valentine movie ng Viva Entertainment at pinagbibidahan nina Bela Padilla at Marco Gumabao
Tama ang description ng production sa movie, isang 3-in-one entertainment combo na siguradong hinding-hindi n’yo makakalimutan after n’yong mapanood.
Gumaganap si Bela bilang si Yuri. Simula nang makaligtas siya sa aksidente noong high school ay nakakakita na siya ng mga multo. Nagpaparamdam rin ito sa mga taong malapit sa kanya, at dahil sa takot, iniwan siya ng kanyang pamilya.
Kumbinsido si Yuri na mas maigi na ngang manatili siyang mag-isa sa buhay. Pero isang magician ang maaaring magpabago ng kanyang isip.
Si Marco ay gumaganap bilang si Victor, isang street magician. Sa katunayan, dinadaan lamang niya sa kanyang charm ang mga manonood, at hindi naman talaga ito magaling mag-magic.
Nang makita niya si Yuri, naging inspirasyon niya ito para makabuo ng isang horror magic show na naging patok naman sa mga manonood. Nang maging stage magician si Victor, kinuha niya si Yuri para gumanap bilang multo sa kanyang palabas.
Si Rhen Escaño naman gumaganap bilang si Krissy, ang pinakaaktibong multo sa buhay ni Yuri. Mag-best friend sila bago mamatay si Krissy sa aksidente. Dahil lagi itong nakabuntot kay Yuri, masasaksihan ni Krissy ang nabubuong pagtitinginan nina Yuri at Victor. Isa siyang magiging malaking hadlang sa dalawa.
Ano ang mga pakana ni Krissy para takutin si Victor? May panlaban ba naman dito ang binata? Hindi na ba talaga makakawala si Yuri kay Krissy? Bound to fail nga ba ang Victor-Yuri love story?
View this post on Instagram
Yan ang sasagutin ng movie na unang pelikula ng indie producer na si Jalz Zarate. In fairness, for a first time director, pasadung-pasado siya sa amin at sa lahat ng mga nanood ng pelimula sa ginanap na premiere night last Monday sa SM Megamall Cinema 1.
Napakagaling nina Bela at Marco sa movie, pak na pak ang kanilang tambalan dahil nag-uumapaw ang kanilang chemistry sa big screen.
Napanood din namin ang Korean version nito, at matapang naming sasabihin na sumobra pa sa aming expectation ang ipinakita ng tambalang BelCo o MarLa. Ha-hahahaha!
Sure na sure kaming iba’t ibang emosyon din ang mararamdaman n’yo habang pinanonood ang “Spellbound” — matatakot kayo nang bonggang-bongga, tatawa kayo nang tatawa at siguradong mai-in love rin kayo hanggang sa ending.
Tataya kami kay Bela sa pagiging best actress sa susunod na awards season dahil napakagaling talaga niya sa “Spellbound”, pinaiyak at pinahalakhak niya ang audience lalo na sa eksenang nalasing siya habang nakikipag-inuman kay Marco.
Grabe! As in grabe yun! Talagang nagmarka sa amin ang aktres sa eksenang yun lalo na nang sitahin niya ang magdyowang naghahalikan sa bar at tinawag niyang mga bastos at chaka! Ha-hahahaha! Winner!
Napagsabay din ni Marco ang pagiging matinee idol, heartthrob, komedyante, at dramatic actor sa pelikula partikular na yung eksena nila ni Bela sa airport. Kaya hindi rin kami magtataka kung ma-nominate at manalong best actor ang binata for “Spellbound.”
Promise, hindi kayo manghihinayang sa ibabayad n’yo sa sinehan kaya watch na ng “Spellbound” sa February 1. Makakasama rin dito sina Cindy Miranda at Ronnie Liang.
Bela Padilla ayaw na ayaw gumawa ng horror movies: ‘Sobrang takot na takot ako sa multo!’
Bela Padilla, Norman Bay masayang nag-celebrate ng 2nd anniversary: You make my days brighter!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.