Bela Padilla, Norman Bay masayang nag-celebrate ng 2nd anniversary: You make my days brighter! | Bandera

Bela Padilla, Norman Bay masayang nag-celebrate ng 2nd anniversary: You make my days brighter!

Therese Arceo |February 24,2022
facebook
share this

Bela Padilla, Norman Bay masayang nag-celebrate ng 2nd anniversary: You make my days brighter!

Therese Arceo - February 24, 2022 - 08:57 PM

Bela Padilla, Norman Bay masayang nag-celebrate ng 2nd anniversary: You make my days brighter!
BAKAS ang saya sa mata ng actress-writer na si Bela Padilla habang ipinagdiriwang nila ng kanyang non-showbiz dyowa na si Norman Bay ang ikalawang anibersaryo ng kanilang pag-iibigan.

Ibinahagi ng aktres ang kanilang mga larawan sa kanyang Instagram nitong February 22.

“Happy second anniversary my travel buddy, fellow foodie, Billie Eilish album reviewer, master of plants (specifically chillies and citrus plants) and to the person who would still hang out with me even if there was a man park where men randomly talk about Marvel,” saad ni Bela.

Dagdag pa niya, “You make my days brighter! Also how cool is it that our second anniversary is on 2.22.2022?!”

Ang 2.22.22 ay isang palindrome date kung saan kahit baligtarin mo pa ito ay parehas na petsa pa rin ang lalabas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bela Padilla (@bela)

Bumuhos naman ng greetings ang post ni Bela mula sa mga netizens at mga kaibigan sa industriya.

Nanguna na nga rito ang mga bestfriends niyang sina Kim Chiu, Angelica Panganiban at Dani Barretto.

“Awwww!!!!! (three red heart emojis) Happy anniversary momsy and Harry Styles!!!!” saad ni Kim.

Sey naman ni Dani, “Happy Anniversary you two!”

“Happy Anniversary Norman and momsy. See you soon please,” sabi naman ni Angge.

Ilan pa sa mga bumati ay sina Iza Calzado, Cherry Pie Picache, Sarah Lahbati, Jericho Rosales, at Sophie Albert.

Sa ngayon ay nananatili pa rin sa London si Bela. Bagamat nilinaw na ng aktres na hindi totoo ang kumakalat na balita na for good na ang kanyang stay sa naturang bansa ay wala pa ring balita kung kailan ang muling pagbabalik ng dalaga sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nabanggit rin nito noon na magkakaroon siya ng pelikula ngayong Pebrero so may chance na baka nalalapit na rin ang pagbabalik ng aktres bagay na nilu-look forward ng kanyang mga taga-subaybay.

Related Chika:
Bela nanirahan sa London hindi lang dahil sa dyowa; wala na bang balak bumalik sa Pinas?
Bela masaya sa pakikipag-LDR sa non-showbiz dyowa: Kanya-kanya naman ng trip yan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending