Bela masaya sa pakikipag-LDR sa non-showbiz dyowa: Kanya-kanya naman ng trip yan
KERING-KERI ng Kapamilya actress-scriptwriter na si Bela Padilla ang LDR o long distance relatioship.
Yan ang status ngayon ng dalaga sa pakikipagrelasyon sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Norman Ben Bay na nakilala niya habang nagsu-shooting sa ibang bansa noong 2017.
Sabi ni Bela, so far ay okay naman ang pakikipag-LDR niya kay Norman na tumagal na raw ng halos isang taon pero aniya, looking forward na siya sa muli nilang pagkikita.
“Nagkakilala kami nu’ng nagsu-shoot kami ni direk Irene (Villamor) ng ‘Meet Me in St. Gallen’ sa Switzerland. So, tagaroon siya. So ilang years na yung ‘Meet Me in St. Gallen,’ magpo-four years na this year.
“Tapos friends na kami for four years tapos one year pa lang kami ngayon. Initially hindi namin tinray siguro kasi nga ang layo tapos ang gastos kung magkikita kami palagi.
“And mas possible kasi na ako yung lumilipad papunta du’n so nakakapagod isipin. Parang nu’ng una hindi binigyan ng chance. Pero since nag-pandemic parang ngayon it evened out everyone’s situations so parang napag-isipan na puwede i-try this year.
“Kasi never naman kami nawalan ng communication parang throughout the four years,” tuluy-tuloy na kuwento ng aktres nang mag-guest siya sa The Third World Cinema Club podcast kamakailan.
Pag-amin pa niya, “LDR ako ngayon. Medyo matagal na rin. Parang mag-iisang taon na. Okay naman. Kakalabas lang namin ni direk Irene sa lock-in bubble so parang first time na nasa bahay ako ulit.
“Wala akong ginagawa. Naka-Facetime lang kami na ako sumasagot ng crossword tapos siya nagtatrabaho kasi work from home siya ngayon. Ganu’n lang.
“Para rin kayong hindi LDR kasi parang you do things together. Parang ganu’n lang yung routine namin. Pero very boring couple kasi kami so masaya na kami sa ganu’n. Hindi naghahanap ng excitement. Kaya siguro nagwo-work yung LDR namin,” mahabang paliwanag ni Bela.
Patuloy pa niyang paliwanag sa LDR status nila ng BF, “Nagwo-work siya more for me. Kasi yung ugali ko hindi siya sobrang Filipino. Parang mas Western ako mag-isip so bagay sa akin yun.
“Kasi yung first boyfriend ko was super through and through Filipino, yung bago ka lumabas ng bahay magpapadala ka ng picture kung gaano kaiksi yung suot mo. Yung ganu’ng level.
“Parang too much for me yun. Hindi ko kaya yun. Ayoko yung hirit na maiksi masyado yung shorts mo, mga ganu’n. Nasa Pilipinas tayo sobrang init guys. So hindi nagwo-work sa akin yun.
“Or yung, ‘Kumain ka na ba?’ maya’t maya. I think it’s safe to say na kakain ako today at some point kasi gusto ko naman mabuhay so hindi kailangan nagtatanong maya’t maya ng kumain ka na ba.
“Kaya nagwo-work siguro sa akin yung relationship ko ngayon kasi ang usapan namin, ang weird eh, mas serious pero mas low-key, minsan tanga lang yung pinag-uusapan namin pero nagwo-work. Kanya-kanya naman yun eh. Kanya-kanya ng trip,” lahad pa ni Bela.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.