Bela Padilla ayaw na ayaw gumawa ng horror movies: ‘Sobrang takot na takot ako sa multo!’
ABANGERS na ang mga tagasuporta nina Bela Padilla at Marco Gumabao sa una nilang movie together, ang Pinoy adaptation ng 2011 Korean film na “Spellbound.”
Ito ang magsisilbing pre-Valentine offering ng Viva Films na ipalalabas sa mga sinehan sa February 1. Iikot ang kuwento nito sa magic, mga multo at pag-ibig — isang 3-in-one entertainment combo na siguradong magpapabago ng inyong pananaw sa tunay na kahulugan ng pagmamahal.
Si Bela ay gumaganap bilang si Yuri. Simula nang makaligtas siya sa aksidente noong high school ay nakakakita na siya ng mga multo.
Nagpaparamdam rin ito sa mga taong malapit sa kanya, at dahil sa takot, iniwan siya ng kanyang pamilya. Kumbinsido si Yuri na mas maigi na ngang manatili siyang mag-isa sa buhay. Pero isang salamangkero ang maaaring magpabago ng kanyang isip.
Si Marco naman ay si Victor, isang street magician. Sa katunayan, dinadaan lamang niya sa kanyang charm ang mga manonood, at hindi naman talaga ito magaling mag-magic
Nang makita niya si Yuri, naging inspirasyon niya ito para makabuo ng isang horror magic show na naging patok naman sa mga manonood. At nang maging stage magician si Victor, kinuha niya si Yuri para gumanap bilang multo sa kanyang palabas.
View this post on Instagram
Si Rhen Escaño nama ay gumaganap bilang si Krissy, ang pinaka aktibong multo sa buhay ni Yuri. Mag-best friend sila bago mamatay si Krissy sa aksidente. Dahil lagi itong nakabuntot kay Yuri, masasaksihan ni Krissy ang nabubuong pagtitinginan nina Yuri at Victor. Isa siyang magiging malaking hadlang sa dalawa.
Ano ang mga pakana ni Krissy para takutin si Victor? May panlaban ba naman dito ang binata? Hindi na ba talaga makakawala si Yuri kay Krissy? Bound to fail nga ba ang Victor-Yuri love story?
Ang pelikulang ito mula sa direksyon ni Jalz Zarate. Ito ang unang tambalan nina Bela at Marco, pero naging magkatrabaho sila sa isang pelikulang sinulat ni Bela (Apple of My Love) kung saan si Marco ang isa sa mga bida.
Ibinahagi ni Bela na ito ang unang pagkakataon na malapit sa personalidad niya ang kanyang karakter na ginagampanan. Duwag rin siya pagdating sa mga multo, kwento niya.
Kasama rin dito sina Cindy Miranda at Ronnie Liang bilang ibang love interest nina Victor at Yuri. Ito ay sa direksyon ni Jalz Zarate.
Sa naganap na zoom presscon ng “Spellbound” ay natanong si Bela kung kumusta ang working experience niya with Marco as leading man.
“It’s nice working with him as he’s been a friend for a long time. Okay siyang katrabaho lalo na this movie took so long to shoot.
“We started shooting this on January 20, 2020 and first shooting day namin sumabog ang Taal and then na-declare ang first day ng lockdown because of COVID-19.
“Natigil ang shoot namin at hindi na kami nagkita. I went to London in July 2021 and we were able to resume the shooting only last year. And now, finally, we’re glad natapos na rin siya at ipapalabas na,” aniya pa.
Sey pa ng aktres, this is the first time she’s portraying a character na parang siya rin sa tunay na buhay, “Kasi pareho kaming duwag ni Yuri. I’m really afraid of ghosts so I avoid doing horror films.
“But this one, I like the material. Pero sa shoot, tinatanong ko na agad kung nasaan ‘yung mga gumaganap ng multo para hindi na ako nagugulat,” lahad pa niya.
Bela Padilla, Norman Bay masayang nag-celebrate ng 2nd anniversary: You make my days brighter!
Jameson Blake pinag-ingat; sinamahan ng multo hanggang Maynila
Xian pinaglaruan ng multo habang nagsu-shooting ng ‘Bahay Na Pula’: Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.