Xian pinaglaruan ng multo habang nagsu-shooting ng 'Bahay Na Pula': Ano kaya ang ibig sabihin nito? | Bandera

Xian pinaglaruan ng multo habang nagsu-shooting ng ‘Bahay Na Pula’: Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Ervin Santiago |February 10,2022
facebook
share this

Xian pinaglaruan ng multo habang nagsu-shooting ng ‘Bahay Na Pula’: Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Ervin Santiago - February 10, 2022 - 06:41 AM

Julia Barretto at Xian Lim

PINAGLARUAN nga kaya ng multo o ligaw na kaluluwa ang Kapuso actor at direktor na si Xian Lim habang ginagawa ang bagong horror movie ng Viva Films na “Bahay Na Pula”?

Naibahagi kasi ng binata sa ginanap na online presscon ng nabanggit na pelikula last Tuesday, Feb. 8, ang  nakakakilabot at hindi maipaliwanag na karanasan niya sa kanilang location.

Kasama niya sa “Bahay Na Pula” sina Marco Gumabao at Julia Barretto sa direksyon ng award-winning filmmaker na si Brillante Mendoza.

Simulang kuwento ni Xian, “I remember, dala ko yung camera ko, nag-video-video ako, tapos yung files ko, pagbalik sa hotel, nabura. Nabura lahat kasi parang hina-house tour ko yung bahay.

“So, sabi ko, ‘Direk (Brillante), ano kaya ang ibig sabihin nito?’ Baka ayaw lang talaga magpa-video,” chika ng boyfriend ni Kim Chiu na ang tinutukoy ay ang bahay na pinagsyutingan nila na matatagpuan sa Pola, Oriental Mindoro.

Kasunod nito, natanong naman ang aktor kung ano ang mas nakakatakot, ang pagsu-shooting nila sa “Bahay Na Pula” o nang ipasok niya ang kanyang ulo sa bunganga ng buwaya? 

Ito yung tungkol sa pictorial ng aktor kasama ang kanyang nanay at lola sa Zoobic Safari sa Subic, Zambales. Dito ipinasok ni Xian ang ulo sa bunganga ng sementong buwaya na naging dahilan ng pagkasugat at pagdugo ng ulo niya.

“For me, mas nakakatakot yung ipinasok ko yung ulo ko kasi pagkabunot… ang baboy pakinggan, pagkabunot ko sa ulo ko, dumudugo. Sumabit yung ngipin sa ulo.

“Nakakatawa kasing pakinggan. Nandito kasi si Marco kaya nagiging green yung usapan!” tawa nang tawang sagot ni Xian.

Natawa rin si Julia sa sinabi ng leading man niya sa “Bahay Na Pula” sabay sabing, “Ikaw lang ‘yan, Xian, ha? Nananahimik si Marco. Alam mo, Xian, in-expose mo yung sarili mo!”

View this post on Instagram

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)


Samantala, para naman sa nalalapit na Valentine’s Day, may balak uli silag mamasyal ng nanay at lola kasama si Kim.

Sey ni Xian, “I really don’t like planning Valentine’s kasi I think it’s more of gusto ko either a day or before or two days before.

“Two days nga, parang matagal na, pero definitely, I’ll be spending time with the people closest to me, especially my mom and lola. I’m at a point in my life na gusto ko silang iikot, especially nung nangyari itong pandemic.

“Life is really short and I just wanna give all the love and attention to my mom and lola and be with them as much as possible.

“And of course, my special someone din, I will be with her so sama-sama kaming tatlo,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Bahay Na Pula” simula sa Feb. 25 sa Vivamax Philippines at alamin kung ano nga ba ang misteryong bumabalot sa loob nito.

Jameson Blake pinag-ingat; sinamahan ng multo hanggang Maynila

Xian alam ang mga hinanakit at sama ng loob ni Kim; umaming kinakabahang makatambal si Jennylyn

Kim suportado ang paglipat ni Xian sa GMA; makakatambal si Jennylyn sa unang Kapuso serye

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending