Jameson Blake pinag-ingat; sinamahan ng multo hanggang Maynila
HINDI nakadalo ang leading man ni Kim Chiu na si Jameson Blake sa ginanap na face to face mediacon at screening ng pelikulang “Huwag Kang Lalabas” sa VIP Cinema ng Fishermall nitong Linggo ng tanghali kaya hindi siya nakunan ng reaksyon sa kuwento ng Supervising Producer na si Joy Sison na may multo silang kasama sa van.
“Tatlo lang kami sa van. Sabi ko kay Jameson tabi na lang kami. May sumama raw sa amin na parang babae after ng shoot.
“So, sobrang takot na takot kami habang nagbi-biyahe. Hindi talaga kami tumitingin sa likod kasi baka pagtingin namin nandu’n s’ya. Bigla kasi nag-text ’yong ispiritista matapos n’ya makita ’yong picture na post ko. Kasi yata ’yong multo parang nakita n’ya na mukhang matutulungan s’ya ni Jameson.”
Magkasama sa “hotel” episode sina Kim at Jameson na kinunan sa Baguio City noong Hulyo at pagkatapos daw ng shoot ay bumaba na ang aktor kasama si Joy at driver ng van.
Dahil gahol na sa oras kaya hindi napa-orasyunan o walang kasamang Spirit Questor ang mga taga Obra Cinema production group but since one of the cast na si Elizabeth Oropesa sa “kumbento” episode ay may third-eye ay sinabi niyang maraming kaluluwa sa location.
Iisang location lang ang “hotel” at “kumbento” episode ng trilogy horror film na “Huwag Kang Lalabas”.
Inamin din ng line producer na si Dennis Evangelista na ilang araw nagkasakit ang mga staff and crew at si Direk Adolf Alix Jr ay ilang araw ding nilagnat.
Sakto naman na guest sa “Cristy Ferminute” online show nina ‘Nay Cristy Fermin at Romel Chika si Jameson at dito siya natanong tungkol sa multo na sumamang bumaba sa kanila ng Maynila.
“May na-experience po ako kasi kung saan kami nag-shoot sa Baguio, medyo nakakatakot doon. And then may kasama akong staff pauwi after the shoot. And pinost n’ya ’yon sa (Instagram) story na magkasama kami na naka-prosthetic ako, para akong mukhang ghost.
“Pinost n’ya tapos may nag-comment sa story n’ya na parang mag-ingat daw kami kasi may nag-follow daw sa amin or something. First time nangyari sa akin ’yon so nakakatakot,” kuwento ni Jameson.
Pero na-enjoy naman ng aktor ang shooting nila sa Baguio kahit nagkakatakutan dahil marami sila at nakasama niya si Kim sa movie.
“This is my first time na makasama si Kim Chiu sa isang film. Kasi usually, kasama ko s’ya sa ASAP ito ’yong first time na kasama ko s’ya for a movie.
“Okey naman, na-enjoy ko naman. Nag-level up naman ’yong experience working with her. It’s something different.
“Even with ’yong kasama kong ibang cast na-enjoy ko naman. I met new people, and also working with Direk Adolf. Masaya naman. ’Yong lugar lang siguro.
With everyone, okey naman,” kuwento ng aktor.
Puring-puri naman ni ‘Nay Cristy si Jameson dahil napakahusay umarte at propesyunal bukod sa guwapo at masipag.
Kasama rin ng aktor at ni Kim sa “hotel” episode sina Allan Paule, Tina Paner, Brenda Mage, Donna Carriaga, Rico Barrera.
Sa “bahay” episode ay sina Aiko Melendez, James Blanco, Bembol Roco, Joaquin Domagoso, Dave Bornea, Ayeesha Cervantes at Soliman Cruz ang bida.
Sina Beauty Gonzales, Matet de Leon, Yasser Maera, Tanya Gomez, Marcus Madrigal at Elizabeth Oropesa naman ang cast sa “kumbento” episode.
View this post on Instagram
Ang “Huwag Kang Lalabas” ay official entry ng Obra Cinema sa 2021 Metro Manila Film Festival na mapapanood na simula sa December 25 sa mga sinehan.
Related Chika:
Jameson Blake game makipaghalikan sa kapwa lalaki pero may kundisyon…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.