Nakaramdam nga ba ng inggit si Julia Montes sa pagsikat ni Kathryn Bernardo? | Bandera

Nakaramdam nga ba ng inggit si Julia Montes sa pagsikat ni Kathryn Bernardo?

Ervin Santiago |July 04,2021
facebook
share this

Nakaramdam nga ba ng inggit si Julia Montes sa pagsikat ni Kathryn Bernardo?

Ervin Santiago - July 04, 2021 - 09:00 AM

NEVER nakaramdam ng kahit katiting na inggit si Julia Montes sa kanyang kaibigan na si Kathryn Bernardo.

Sa katunayan, kung may isang tao raw na proud na proud sa narating at na-accomplish ng Kapamilya actress at young entrepreneur yan ay walang iba kundi siya.

Kahit matagal nang hindi nagkikita at nagkakasama, nananatiling solid ang friendship nina Kath at Julia na nabuo mula pa noong mga bata pa sila.

Mas lalo pa silang naging close sa isa’t isa nang gawin na nila ang remake ng classic Kapamilya series na “Mara Clara” sa ABS-CBN at mula nga noon ay napanatili na nila ang kanilang pagkakaibigan.

Ayon kay Julia, talagang meant to be ang pagsasama nila ni Kathryn sa nasabing teleserye, inilarawan pa nga niya ang kanilang samahan bilang “first and perfect love team”.

“Actually, ang dating sa akin, it’s meant for me to be with Kath nu’ng panahon na ‘yun kasi nag-work kami together dahil hindi kami nagkakitaan ng, ‘Dapat ako ‘yan, eh,’ or, ‘Dapat mas ako sa kanya.’ 

“And that’s our magic. Eh, lagi nga namin sinasabi, kami ang first and perfect love team,” kuwento ni Julia sa chikahan nila ni G3 San Diego.

Pagkatapos ng “Mara Clara”, nagsunud-sunod na ang proyekto ng magkaibigan hanggang sa itambal na nga si Kathryn kay Daniel Padilla and the rest as they say, is history.

Itinuturing na ngayong isa sa biggest star sa Philippine showbis si Kathryn pati na ang boyfriend niyang si Daniel at ayon kay Julia masaya siya sa tagumpay na narating ng kaibigan.

“With Kath, sobrang proud ako with her showbiz life, her business life, alam mo ‘yun? Lahat, okay, sobrang ganda nu’ng ano niya. ‘Yun lang. ‘Yun lang ‘yung lagi kong sinasabi. Hindi ko rin kasi talaga na-imagine,” pahayag pa ng rumored partner ni Coco Martin.

Aniya pa, hindi lang basta kaibigan ang turing niya kay Kathryn, kundi isang tunay na kapatid.

“Parang dumating lang na para kang nakakita ng sister and you’re so proud of your sister na whatever happens, you’re just there for her.

“And ‘yun ako sa kanya until now, na parang ups and downs, hindi lang ako laging present pero andito ako lagi,” aniya pa.

Sa isang panayam, sinabi ni Kathryn na nagpapasalamat siya sa pagkakaroon ng kaibigang tulad ni Julia na nakasama niya sa mga una niyang proyekto sa ABS-CBN.

“Ang swerte ko nu’n kasi kasama ko si Julia. Malapit ko siyang kaibigan. Alam mo ‘yung feeling na wala ka pang love team nu’n, wala pang DJ (Daniel) pero meron kang kasama na mag-adjust sa ganung mundo. Swerte ako nun na kasama ko si Julia,” pahayag ni Kath.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami naman ang nagre-request sa ABS-CBN na pagsamahin muli ang dalawang aktres sa isang bonggang proyekto dahil siguradong papatok ito sa madlang pipol.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending