Hashtag Zeus Collins nag-propose sa non-showbiz dyowa habang naglalaro sa Star Magic 30th All Star Game | Bandera

Hashtag Zeus Collins nag-propose sa non-showbiz dyowa habang naglalaro sa Star Magic 30th All Star Game

Ervin Santiago |May 23,2022
facebook
share this

Hashtag Zeus Collins nag-propose sa non-showbiz dyowa habang naglalaro sa Star Magic 30th All Star Game

Ervin Santiago - May 23, 2022 - 04:46 PM

Zeus Collins at Pauline Redondo

MAS naging makasaysayan at memorable ang pagbabalik ng Star Magic 30th All Star Game sa pasabog na sorpresa ng Kapamilya hunk actor at dancer na si Zeus Collins.

Isa ang “It’s Showtime” mainstay at Hashtag member sa mga naglaro kahapon, May 22, para sa main basketball event na sinalihan din ng iba pang kilalang Star Magic artists na ginanap sa Araneta Coliseum.

Ginulat ni Zeus ang lahat ng nasa venue pagsapit ng fourth quarter ng kanilang basketball game dahil bigla nga siyang lumuhod at nag-propose sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Pauline Redondo.

Ayon kay Zeus, nanghingi siya ng tulong sa mga kapwa Hashtags members para sa gagawin niyang proposal, kabilang na nga ang pagkukunwaring na-injure siya habang naglalaro.

At ganu’n nga ang nangyari sa huling bahagi ng basketball game hanggang sa lumapit na nga si Pauline kay Zeus nang malamang nasaktan ito habang naglalaro.

Naiyak na lamang ang dalaga nang biglang lumuhod ang boyfriend sa harap niya at ilabas ang hawak na singsing. Palakpakan at sigawan ang lahat ng tao sa Araneta Coliseum.

“Hindi ko na sasayangin itong pagkakataon na ito ngayon. Sa harap ng mga kaibigan ko at ng mga madlang people, ngayon ko lang ito gagawin at sana last na ito. Myka Pauline Redondo, will you marry me?” ang bahagi ng pahayag ni Zeus sa kanyang speech.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Collins Arellano (@hashtag_zeuscollins)


Tungkol naman sa ginawa niyang paghahanda sa kanyang proposal, “Mga dalawang araw, ganun. Kasi hindi ako makatulog. Tuwing matutulog ako siyempre lagi naman na mag-pe-pray ka bago matulog.

“Hanggang sa nagulat ako na parang may biglang kumalabit sa akin na siguro tinanong ko na din si Lord tapos hindi ako nakatulog.

“Biglang pumasok sa isip ko na ayun nga, mag-propose. Hanggang isip ako ng isip. Pinag-pray ko ng pinag-pray. Hanggang sabi ko ito na talaga yung sign na gagawin ko na ‘to.

“Talagang hindi mapaliwanag yung saya ko dahil pinag-pe-pray ko talaga. Hindi ko naisip na gagawin ko ito sa buong buhay ko pero ayun na nga, kung ano yung gustong gawin ni Lord talaga ito mangyayari talaga. Sobrang saya ko dahil nag-yes ang aking my love. Kasi kinakabahan din ako baka mag-no eh,” tumatawang pahayag ni Zeus sa panayam ng Push.

Nagbalik-tanaw din siya sa pagsisimula ng love story nila ng kanyang fiancée. Tatlong taon na rin daw silang magkarelasyon ni Pauline.

“Nagkakilala kami sa restaurant. Graduation day nila tapos pagpasok ko sa isang restaurant, yung pinsan niyang lalake, siguro namukhaan ako or nakilala ako tapos parang nag-asaran sila na, ‘Uy, nakakahiya ka!’ Ganyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hanggang sa tumabi na sa akin yung pinsan niya na lalake at nagpa-picture. Eh ako lang mag-isa nun. Tapos hanggang sa sabi ko, ‘Sige, dito na lang kayo.’ Du’n kami nagkakilala,” pag-alala pa ng Hashtag member.

Chie Filomeno sa nagpakalat ng tsismis na may sex scandal siya: Dali send mo sa ‘kin! Bardagulan gusto n’yo, eh!

Carla ibinuking si Rocco: Grabe ‘yung pressure sa kanya, pero napanindigan naman niya!

Max Collins bonggang workout ang panlaban sa anxiety; Mikee Quintos buena-mano sa GMA Playlist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending