21 year-old influencer patay matapos tumagay ng isang boteng whiskey
PATAY ang 21-year old Thai influencer matapos ang kanyang pagkasa sa isang dare na uminom ng isang bote ng whiskey.
Si Thanakarn Kanthee, o mas kilala bilang si “Bank Leicester” ay namatay dahil sa paglagok ng isang bote ng whiskey bilang parte ng pustahan.
Ayon sa mga ulat, tinanggap ng Thai influencer ang challenge dahil ang mapapanalunan ng kakasa sa hamon ay 30,000 Thai baht o nasa P52,000.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz naloka sa influencer: Gusto sinusubuan ng PA!
Nasa isang party noon ang Thai influencer nang mangyari ang kanilang bet.
May ilan pang mga attendees sa naturang party ang naroon na nanonood na siyang kumukuha ng video sa kanya at nagtsi-cheer sa kanya para magawa ang challenge.
Matapos maubos ni Kanthee ang isang bote ng whiskey ay hindi na maganda ang kanyang pakiramdam.
Nagsuka pa ang influencer bago ito isinugod sa ospital.
Ayon naman sa Bangkok Post, idineklarang patay si Kanthee ng 3:40am ng December 26.
Nakilala ang 21-year old influencer dahil sa pagtanggap ng mga dares para kumita ng pera para sa kanyang pamilya.
Pakikiramay sa mga naulila ng namayapang influencer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.