Nikko Natividad: ‘Hindi ako naiinggit kina Ronnie at McCoy…mababaw lang ang kaligayahan ko’
NAKAKATUWA naman itong si Nikko Natividad.
Why? Kasi, wala siyang inggit sa katawan. Hindi niya kinainggitan ang mga nakasabayan niyang sina Ronnie Alonte at McCoy de Leon na mas naunang nabigyan ng big break kaysa sa kanya.
Obviously, if there’s one virtue that Nikko had through the years, it is patience.
Nikko toiled long and hard para marating niya ang little success na tinatamasa niya ngayon.
Nagsimula siya sa “Gandang Lalaki 2014” search ng “It’s Showtime” na naging daan para mapasok siya sa Hashtags group. For years, laging bit roles lang ang kanyang ginagampanan, be it in the movies or sa television.
Ngayon, bidang-bida na si Nikko sa isang pelikula sa Viva and he also has a sitcom, ang “Kurdapya” na pinagbibidahan ni Yassi Pressman at kasama sina Ryza Cenon at Marco Gumabao.
“Hindi naman ako nainip. Okay naman ako sa nangyayari sa aking career. Hindi ako naiinggit na bakit sina Ronnie (Alonte), si McCoy (de Leon) ay nagbibida.
“Wala na akong time para isipin pa iyon. Happy ako na nagtatrabaho ako. Happy ako sa family ko. Mababaw lang ang kaligayahan ko,” say ni Nikko sa amin sa presscon ng “Kurdapya” where he plays a leading man role.
Aminado naman si Nikko na medyo naloka na siya dahil halos pare-pareho na lang ang ibinibigay na role sa kanya.
“Hoping din ako na mabigyan ng project na talagang drama, eh. Pero siyempre, ang feeling ko ay baka hilaw pa ako doon. Na kailangan ko pang magpahinog sa ibang movie na ibibigay nila. Okay lang, makakapaghintay naman ako para mabigyan ako ng heavy drama,” say niya.
Baka Bet Mo: Nikko Natividad umamin: Naging greedy ako, naghangad ng maraming pera
Ngayon, challenge para kay Nikko ang role niya bilang Tadeo sa “Kurdapya”. Bago kasi sa kanya ang kanyang role bilang isang nouveau rich but jojologin guy na handpicked ng father ni Yassi Pressman (Lander Vera Perez) bilang suitor.
Sa presscon nga, nag-sample pa si Nikko ng mga English lines para patunayang kayang-kaya niya ang kanyang character.
Anyway, nagsimula na ang “Kurdapya” na inspired by Pablo S. Gomez’s popular classic, kagabi, March 18, (6 p.m. to 7 p.m.) sa TV5, with catch-up airings on Sari Sari Channel (Available on Cignal Ch. 3) every Sunday, 8 p.m. starting today.
Ogie Diaz kay Ronnie Alonte: Parang nasa acting workshop stage pa rin siya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.