Nikko Natividad ginaya ang swimsuit photo ni Elisse Joson, pinapili si McCoy: Bakit ako ang iuuwi mo? Bandera

Nikko Natividad ginaya ang swimsuit photo ni Elisse Joson, pinapili si McCoy: Bakit ako ang iuuwi mo?

Therese Arceo |August 05,2022
share this

Nikko Natividad ginaya ang swimsuit photo ni Elisse Joson, pinapili si McCoy: Bakit ako ang iuuwi mo?

Therese Arceo August 05, 2022 - 11:39 AM

Nikko Natividad ginaya ang swimsuit photo ni Elisse Joson, pinapili si McCoy: Bakit ako ang iuuwi mo?
MUKHANG bagot na bagot na ang Hashtags member na si Nikko Natividad kaya naisipan niyang gayahin ang swimsuit photo ni Elisse Joson.

Noong Lunes, August 1 ay ibinandera ni Elise ang kanyang larawan sa Instagram kung saan nakasuot ito ng yellow one piece swimsuit habang nagbabakasyon ito sa isang kilalang hotel sa Metro Manila.

Kaya naman hindi nagpakabog si Nikko at pinantayan ang ka-sexyhan at kagandahan ng girlfriend ng kanyang co-member sa Hashtags at malapit na kaibigan na si McCoy de Leon.

Makikita sa larawan na nakasuot rin ng one piece swimsuit ang actor-comedian na pagmamay-ari pala ng kanyang asawa na si Cielo Eusebio na medyo hawig sa suot ni Elisse.

Maging ang alak ay may sariling version din si Nikko dahil kung may cocktail drink si Elisse ay beer naman ang kanya.

“@mccoydeleon mamili ka? Kunwari lasing na lasing na kame ni @elissejosonn. Baket AKO ang iuuwi mo?” saad niya sa kanyang caption.

Agad namang sumagot ang kaibigan at sinabing si Nikko sana ang pipiliin niya pero may napansin siyang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by NikkoDAKS (@hashtag_nikko)

“Ikaw sana kaso nakita ko may nakatayong tissue,” pabirong sagot ni McCoy.

Reply naman ni Nikko, “Ayaw mo nun. Pwede tayong mag-role playing. Kunwari starwars.”

Maging si Elisse ay hindi nagpahuli at nag-comment rin sa panggagaya sa kanya ng Hashtags member.

“Gusto ko magsalita ng masasamang words nikko!!!!!!!!” sey ng mommy ni Felize.

Maging ang iba pa nilang kasamahan sa industriya ay talaga namang naaliw at natawa sa ginawang kalokohan ni Nikko.

“Hahaha! Nyeta ka!” natatawang comment ng beteranang aktres at ninang nila sa kasal na si Sylvia Sanchez.

Sagot naman ni Nikko, “Ninang kamuka ko po ba kayo nung kabataan?”

“Na tibo ako sayo hahaha! Ayoko maging bias @elissejosonn pero parang kay Nikko ang boto ko HAHAHAHAHA,” sey naman ng social media influencer na si Krissy Achino.

Maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa ginawa ng actor-comedian at may mga comments rin na nagsasabing binuo raw nito ang kanilang mga araw.

Related Chika:
Nikko Natividad umamin: Naging greedy ako, naghangad ng maraming pera

Nikko: Magkaiba kame ng ibobotong presidente ng asawa ko pero may nangyayare pa ren samen gabe-gabe…

Netizens na-shock, nabastusan sa pa-survey ni Nikko; pero marami pa ring nag-join

Hashtag Nikko kinampihan si Arjo: Ate masama magpakalat ng fake news baka magsara ang…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending