Nikko: Magkaiba kame ng ibobotong presidente ng asawa ko pero may nangyayare pa ren samen gabe-gabe... Bandera

Nikko: Magkaiba kame ng ibobotong presidente ng asawa ko pero may nangyayare pa ren samen gabe-gabe…

Alex Brosas |February 14,2022
share this

Nikko: Magkaiba kame ng ibobotong presidente ng asawa ko pero may nangyayare pa ren samen gabe-gabe…

Alex Brosas February 14, 2022 - 06:28 AM

Nikko Natividad at Cielo Eusebio

IBA talaga ang humor ni Nikko Natividad na member ng grupong Hashtags.

Sa kanyang latest post sa Twitter, pinaglaruan niya ang diversity ng madlang pipol sa kung sinong presidente ang iboboto nila. May pagkapilyo ang kanyang post kaya naman aliw na aliw ang followers niya. 

“Magkaiba kame ng ibobotong presidente ng asawa ko pero may nangyayare paren samen gabe gabe. Lib*g na lib*g paren kame sa isat isa!! Ganyan dapat ang mentality naten.”

‘Yan ang nakakalokang tweet ni Nikko na talagang pinagtawanan ng kanyang followers.

“HAHAHAHAHAHAHAHA! TAWANG TAWA AKO SAYO.”

“Ako din, kahit magkaiba tayo ng iboboto lib*g pa din ako sayo. Patingin nmn kahit ulo lang.”

“Buset ka..HAHAHAHA.”

“Potacca Nikko! Tawang-tawa ako bwahahahaha!!!”

“HAHAHAHAHA! GAGE KA TLAGA NIKOOOOO.”

* * *

May namumuong hidwaan sa pamilya. Nagharapan sina Kakay (Dimples Romana) at ang anak na si Rica (Charlie Dizon) matapos malamang tinanggap nito ang trust fund at kwintas galing sa tunay na ama nitong si Troy (Jake Cuenca) sa “Viral Scandal.”

Alam ni Kakay na nag-iba ang tingin ni Rica sa tunay nitong ama matapos ang kanilang paghahanap kay Raven (Kaila Estrada) ngunit hindi ito batayan para papasukin nito si Troy sa kanilang buhay.
 
Sinabi naman ni Rica na hindi naging madali ang kanyang desisyon. Mas humirap pa ito nang malaman niyang nagsinungaling si Kakay at sinabing iniwan silang mag-ina ni Troy noong sanggol siya. 

Sa katunayan, hindi siya kinalimutan ng ama at minahal siya kung kaya’t nag-iba ang kanyang pananaw.


Gayunpaman, alam niyang masasaktan si Dan (Miko Raval) kapag pinapasok niya si Troy sa kanyang buhay. Nagda-dalawang isip pa rin siya kung ibabalik ba niya kay Troy ang naturang trust fund at kwintas. 

Samantala, tanggap na ni Audrey (Maxene Magalona) na kailangan niya sundin si Troy para maayos ang kanilang pagsasama. Papayag na siyang papasukin si Rica sa kanilang buhay at kilalanin ito bilang anak ng asawa. 

Ibalik pa kaya ni Rica ang trust fund at kwintas o tuluyan na kaya niyang papasukin ang tunay na ama sa kanyang buhay?

Ang “Viral Scandal” ay sa direksyon nina Dado Lumibao at Froy Allan Leonardo mula sa produksyon ng RCD Narratives na napapanood gabi-gabi, 9:20 p.m., sa Kapamilya Channel.

Nikko Natividad umamin: Naging greedy ako, naghangad ng maraming pera

I can work with anybody… dilaw o pula dahil moreno naman ang kulay ng Filipino – Isko

Mark Anthony kontra sa pagkakaroon ng beking presidente: Hindi ako papayag

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending