Ogie Diaz kay Ronnie Alonte: Parang nasa acting workshop stage pa rin siya | Bandera

Ogie Diaz kay Ronnie Alonte: Parang nasa acting workshop stage pa rin siya

Therese Arceo |June 21,2022
facebook
share this

Ogie Diaz kay Ronnie Alonte: Parang nasa acting workshop stage pa rin siya

Therese Arceo - June 21, 2022 - 07:10 PM

Ogie Diaz kay Ronnie Alonte: Parang nasa acting workshop stage pa rin siya
DIRETSAHANG pinuna ng talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz ang acting skills ng Kapamilya actor na si Ronnie Alonte nang mapanood nito ang isa sa mga episode ng kasalukuyang teleserye nitong “Love In 40 Days” kung saan kasama niya ang real-life partner na si Loisa Andalio.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LOISA (@iamandalioloisa)

Ayon sa talent manager, tila nasa “workshop stage” pa rin ang binata dahil nakukulangan siya ng emosyon sa mga binibitawan nitong linya.

“Sa TFC ko pa napanood ang “Love In 40 Days.” Eksena nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa restaurant. Nag-e-emote sila pareho tungkol ata sa respective daddy nila,” saad ni Ogie sa kanyang Facebook post.

Aniya, 2015 pa nang nagsimula ang ninata sackanyang acting career kaya ang taong niya ay ilang taon pa ang kakailanganin nito para ma-master ang simpleng pag-arte.

“Hinahanap ko yung sincerity ng character sa mga mata, hindi ko naramdaman. At halatang kabisado lang ang mga linya. Walang puso ang bitaw. Parang nasa acting workshop stage pa rin siya,” pagpapatuloy ni Ogie.

Hiling rin niya na sana ay mas isailalim pa siya ng Star Magic.

Hirit pa niya, “Biniyayaan ka na ng magandang mukha, paglaanan din sana ng panahon ang pag-arte.

“Yung ibang artista nga na di biniyayaan ng ganyang mukha, gumuguwapo sa paningin ng audience dahil napakahusay umarte.”

Dagdag pa ni Ogie, hindi naman daw habangbuhay ay puro pa-cute na pang ang gagawin nito.

“Masarap din naman yung pinupuri ka hindi lang sa kaguwapuhan kundi sa husay din sa pag-arte. Bata pa naman si Ronnie. Kaya pa niyang ayusin at husayan,” hirit pa ni Ogie.

Sa ngayon ay wala namang pahayag ang kampo ni Ronnie o ng Star Magic hinggil saobserbasyon ni Ogie sa binata.

Matatandaang bago ang acting career nito ay napabilang muna si Ronnie sa boy group na Hashtags.

Related Chika:
Loisa Andalio, Ronnie Alonte hindi nagpasilaw sa offer ng ibang TV network; nanaig ang loyalty sa ABS-CBN

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ronnie niregaluhan ng 2 video arcade machine ni Kris; nagpagawa ng man cave sa bahay

Promise ni Ronnie: Wala na akong ibang hahanapin pa at wala akong balak pakawalan si Loisa!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending