Loisa Andalio, Ronnie Alonte hindi nagpasilaw sa offer ng ibang TV network; nanaig ang loyalty sa ABS-CBN | Bandera

Loisa Andalio, Ronnie Alonte hindi nagpasilaw sa offer ng ibang TV network; nanaig ang loyalty sa ABS-CBN

Ervin Santiago |June 01,2022
facebook
share this

Loisa Andalio, Ronnie Alonte hindi nagpasilaw sa offer ng ibang TV network; nanaig ang loyalty sa ABS-CBN

Ervin Santiago - June 01, 2022 - 07:21 AM

Loisa Andalio at Ronnie Alonte

MAS nanaig ang loyalty at pagmamahal ng celebrity couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa ABS-CBN noong makatanggap sila ng offer mula sa ibang TV network.

At in fairness, kahit natagalan, nagbunga rin ang pagtanaw ng utang na loob sa Kapamilya Network pati na ang kanilang paghihintay sa muling pagdating ng ng mga blessings sa kanilang career.

In fairness, napakainit ng pagtanggap ng mga manonood sa kanilang launching series na “Love In 40 Days” at umaani rin ito ng mga papuri mula sa mga netizens.

Kaya naman super thankful and grateful ngayon sina Loisa at Ronnie sa mga bagong opportunities na dumarating sa kanila, lalo na ang patuloy na pagtitiwala sa kanila ng mga bossing ng ABS-CBN.

Sa panayam ng press kina Loisa at Ronnie, aminado ang magkasintahan na tulad ng maraming Pinoy, talagang naramadaman din nila ang matinding epekto ng COVID-19 pandemic.

Tulad ni Loisa, marami ring realizations sa buhay si Ronnie noong kasagsagan ng pandemya, idagdag pa ang pagsasara ng ABS-CBN.

“Actually na handle ko ‘yun sa tulong ng Diyos, nagawa niya akong makuntento.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ronnie Alonte (@iamr2alonte)


“Noong nakuntento ako, naging madali ‘yung buhay ko. Noong nakuntento ako bukod sa naging madali ang buhay ko, mas dumami pa ‘yung blessings ang dumating na hindi ko ine-expect so relax, dasal, and enjoy,” pahayag ng binata.

Kasunod nito, naikuwento nga ng reel and real life lovers na nakatanggap din sila ng offer noon na lumipat at mag-work sa ibang TV network.

“Hindi naman namin itatanggi. Nag-offer sila, pero hanggang offer lang. Pero at the end of the day nandito kami sa ABS-CBN may bagong show binigyan kami ng opportunidad na makagawa ng bagong teleserye kaya, happy,” pahayag ni Ronnie.

Sabi naman ni Loisa, “May mga offer pero siyempre dahil sa ABS-CBN kami nanggaling, may ibinibigay naman sa amin, why not? Bakit kailangan lumipat at talagang binibigyan naman kami ng worth.”

“Naramdaman namin ang pagmamahal sa amin ng ABS-CBN,” dagdag pang pahayag ni Ronnie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, napapanood ang “Love In 40 Days” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, ABS-CBN Entertainment YouTube, TV5 at A2Z channel 11.

Promise ni Ronnie: Wala na akong ibang hahanapin pa at wala akong balak pakawalan si Loisa!

Payo nina Ronnie at Loisa sa mga gustong mag-artista: Go lang nang go, sundin ang nasa puso n’yo!

Loisa: Ayaw pa naming isipin ni Ronnie ‘yung tungkol sa engagement kasi ang babata pa po namin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending