Pamangkin ni Loisa na si Lucas Andalio super bibo, parte ng ‘Incognito’
ANG bibo ng pamangkin ng aktres na si Loisa Andalio na si Lucas, anim na taong gulang at anak siya ng kuya ng dalaga, si Louis Andalio.
Isa si Lucas sa dumalo sa advance screening ng animated movie na “Buffalo Kids” na mapapanood na sa Pebrero 12, Miyerkoles produced ng Nathan Studios, Inc nu’ng Linggo sa Gateway Cinema 12 na talagang gustung-gusto niya kasama ang co-star niya sa Star Magic.
Magalang at madaldal si Lucas dahil mega-kuwento siya na kasama siya sa seryeng “Incognito” ay kaagad naming tinanong kung anong role niya dahil hindi naming matandaang may batang kasama sa series maliban doon sa mga batang nasa Palawan na gustong itakas sa barko na nailigtas lang ni Daniel Padilla bilang si Andres Malvar.
At saka niya sinabing anak siya ni Baron Geisler bilang si Miguel Tecson na siya pala ‘yung dinalaw sa children’s party na ayaw ipakita ng nanay played by Yesh Burce na ex-wife ng una at ang current partner ay si Adrian Alandy.
Baka Bet Mo: Loisa sa esports industry: ‘Hindi lang puro lalaki, kaya rin ng girls!’
Gigil na gigil sa galit si Baron sa ex-wife niya dahil tinaggalan na siya ng karapatan sa anak nila at si Luis na ang tumayong ama at dumadalo sa school activities ni Lucas.
May katwiran din naman kasing magalit kay Baron dahil nga lasenggo ito bagay na ayaw makita ng anak at ngayong alcohol free na ay ayaw pa ring ipakita ang bata at nagbanta pa si Yesh na kahit humantong pa sila sa korte.
Matatas magsalita ang pamangkin ni Loisa AT ang isa sa nilabasan niyang programa ng Kapamilya network ay ang “Goin’ Bulilit” na nag-end season na.
Nag-iisang anak si Lucas kaya hatid at sundo siya ng tatay niyang si Louis sa school kasama ang ina.
“Kami pong tatlo (kasama ang wife) ang naghahatid at sundo kay Lucas, tutok po talaga kami, buti na lang work from home ako,” say ni Louis.
Magaling bang magbasa ng script si Lucas, “opo mabilis akong makabisado,” say nito na masyadong malikot parang kiti-kiti.
Pero kapag nasa set naman daw ay seryoso at inaaral nito ang script niya, sayang nga walang mabigat na eksena pa sa “Incognito” kundi ‘yung umiyak siya ng umiyak dahil nag-away ang papa at mama niya during his birthday party.
Nakakatuwa si Lucas dahil nakuha niya ang pagiging charming ng Tita Loisa niya at pagiging madaldal nito pero sa edad na 6 ay puro laro pa ang iniisip kapag wala sa harap ng kamera na mas okay para ma-enjoy pa rin niya ang pagiging bata.
Samantala, aliw ang kuwentuhan nina Lucas at Tita Sylvia Sanchez niya dahil may binulong ito tungkol sa karakter niya sa “Incognito” at diretsong tumingin ang batang aktor sabay sabing, “tatanungin ko po Papa Baron.”
Anyway, napapanood ang Incognito sa Kapamilya channel, A2Z, TV5 Jeepney TV, at Netflix handog ng Star Creatives at Studio Three Sixty PH mula sa direksyon ni Lester Pimentel Ong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.