Loisa sa esports industry: ‘Hindi lang puro lalaki, kaya rin ng girls!’
WOMEN empowerment sa esports industry.
‘Yan ang nais ibandera ni Loisa Andalio sa pinagbibidahan niyang esports film na “Friendly Fire” na showing na sa mga lokal na sinehan.
Ang role diyan ng aktres ay bilang si Hazel, isang dalaga na nagtatrabaho sa isang computer shop na nangangarap na makasali sa Team ISLA, ang national esports team ng Pilipinas.
Ayon kay Loisa, ipinapakita sa bagong movie na kayang-kaya ring makipagsabayan ng mga kababaihan pagdating sa paligsahan ng bidyo games.
“Hindi lang puro lalaki ang nagge-games. Kaya rin naming mga girls, kaya rin namin na sumali sa ganitong genre ng sports,” sey niya sa isang interview sa recent premiere night ng pelikula.
Baka Bet Mo: Alodia manganganak na very soon; relate na relate sa ‘Friendly Fire’
Sumang-ayon diyan si Harvey Bautista, ang isa rin sa mga bida ng bagong movie: “Esports naman is for everyone regardless of gender. It doesn’t really matter.”
Dagdag naman ni Bob Jbeili na tampok din sa pelikula, “If you got it, you got it. Actually, if you didn’t get it, you can also work on it to the top if you’re really passionate about it.”
Bukod sa women empowerment, sinabi ng aktres na gusto niyang magsilbing inspirasyon sa mga kabataan na nais sumabak sa ganitong klaseng kompetisyon.
“Napaka importante sakin kasi maraming makaka-relate dito na mga kabataan na nangangarap na makasali sila dito esports tournaments. And hindi lang siya passion, pwede rin sila kumita dito,” wika niya.
At bilang first time makatrabaho ni Loisa si Direk Mikhail Red, ibinunyag niya na isa ito sa mga “bucket list” niya na natupad.
“Kaya isang talagang malaking opportunity po ito na ibinigay sa akin,” sambit ng aktres.
Para sa mga curious diyan kung tungkol saan ang pelikula, heto ang synopsis na inilabas ng Black Cap Pictures:
“‘Friendly Fire’ follows a team of underdogs in the competitive world of esports. When their star player quits, Hazel (Andalio), a casual gamer with the username Kaya, gets a lucky shot during a match against the Philippine esports national team, going viral and catching the attention of Sonya Wilson (Garcia), the founder of Team ISLA. Sonya recruits Hazel to train as a pro gamer, aiming to elevate Philippine esports to the global stage.”
Alam niyo bang totoong video games ang tampok sa pelikula?
Ang “Project: Xandata” ay inilikha ng isang grupo ng mga Pinoy developers na ang tawag ay Secret 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.