Beauty Gonzalez proud na proud sa anak na first time sumabak sa acting

PHOTO: Instagram/@oliviainescrisologo
MUKHANG susunod na sa yapak ni Beauty Gonzalez ang anak nila ni Norman Crisologo na si Olivia.
Sa murang edad pa lang ay nakitaan na kasi siya ng talento sa acting debut niya kasama mismo si Beauty sa pelikulang “Paquil.”
Ang role ni Olivia sa faith-based drama movie ay bilang batang bersyon ng kanyang ina na isa sa lead star.
Sa pamamagitan ng Instagram Story, proud na ibinandera ng aktres ang litrato na yakap-yakap ang kanyang anak.
Baka Bet Mo: Anak ni Beauty sumabak na rin sa pag-aartista, pinaiyak agad sa eksena
“If you have time this Valentine’s Weekend. Do watch our movie ‘Paquil’,” caption niya sa post.
Aniya pa, “It’s our first movie together.”

PHOTO: Instagram Story/@beauty_gonzalez
May post din sa IG si Olivia na mapapanood ang compilation video ng ilang moments behind-the-scenes.
Bungad sa post niya, “My first acting gig [white heart emoji].”
“Such a privilege to be working side by side with renowned actors @leandrobaldemor @arnoldreyes2021 and of course @beauty_gonzalez [white heart emoji],” wika pa.
View this post on Instagram
Magugunitang ipinakilala ni Beauty ang kanyang anak sa entertainment press during the premiere night ng kanilang pelikula.
Ang kwento pa nga niya, “Si Direk kasi naghahanap ng batang ako. Okay, ‘yung daughter ko. Kapag dating namin sa set, nagkaroon ng linya, biglang iiyak. Ako ‘yung mas kinakabahan sa kanya. Nandoon naman si Norman and ‘yung yaya. We were all there to support her. Nairaos naman namin. She did one take lang.”
Aminado si Beauty na very proud siya kay Olivia, pero nilinaw din ng aktres na priority pa rin ng kanyang anak na makatapos sa pag-aaral.
“‘Yung pakiramdam ng nanay na proud. Naiyak na rin ako. Nakakatuwa,” saad niya.
Chika pa ni Beauty, “Totoo pala ‘yung feeling na ganoon. I’m just so happy na she got to experience and she got to think kung anong gusto niyang gawin. She realized na mas gusto niya munang mag-school. Maybe kapag malaki na siya (mag-showbiz).”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.