Anak ni Beauty Gonzalez humiling ng isa pang baby, pero ayaw nang mabuntis: I just got her a dog and he’s so guwapo, so OK na siya | Bandera

Anak ni Beauty Gonzalez humiling ng isa pang baby, pero ayaw nang mabuntis: I just got her a dog and he’s so guwapo, so OK na siya

Ervin Santiago |September 14,2022
facebook
share this

Anak ni Beauty Gonzalez humiling ng isa pang baby, pero ayaw nang mabuntis: I just got her a dog and he’s so guwapo, so OK na siya

Ervin Santiago - September 14, 2022 - 07:46 AM

Olivia at Beauty Gonzalez

PAPAYAGAN ng Kapuso actress na si Beauty Gonzalez na mag-artista ang six-year-old daughter nila ni Norman Crisologo na si Olivia.

Kung talagang gusto raw ng kanyang anak na pumasok sa mundo ng showbiz ay hindi niya ito pipigilan pero hindi raw niya ipipilit ang anak sa mga producer.

“Sabi ko sa kanya, ‘Kung kukunin ka lang.’ Ayoko naman yung iprisinta ko,” ang pahayag ni Beauty sa media launch ng Beautederm last Friday, September 9, kung saan ipinakilala siya bilang ambassador ng BeauteHaus.

Patuloy pa niya, “Ayoko na ako yung magdadala sa kanya. Kung kukunin siya, why not? And she did a few commercials already before. Ahm, yeah, kung kukunin lang siya.”

Papayagan din niya si Olivia na mag-audition sa TV o pelikula, “If she looks good. I mean if she has the talent and she looks good and maybe, why not? But of course, I have to ask my husband, kasi it’s not only my decision.

“It also depends sa kanya, I mean, kay Norman. Ang gusto ni Norman, pag kinukuha lang talaga siya. Prioritize niya yung…not really studies, ahhm family. Yung kami as a family. Kasi, yun yung importante, e.

View this post on Instagram

A post shared by Christine Gonzalez-Crisologo (@beauty_gonzalez)


“Make more memories with your family. Studies, yeah, I mean she can do well in school, okay na sa akin na makapasa. Not really yung sobrang talino. Ang importante, yung family time and magbait siya sa kapwa niya tao,” sabi ni Beauty.

Nang tanungin naman tungkol sa posibleng pagkakaroon nila ni Norman ng second baby, “Hindi mangyayari yun. Napag-usapan namin and, honestly, okay lang sa akin ang isang baby lang talaga, yeah.

“Kasi parang mas gusto kong i-enjoy namin yung time namin together, travel, yun,” aniya pa.
Inamin din niya na humihingi ng baby brother o baby sister si Olivia, “Humihingi. I got her a dog. His name is Pepito. He’s so guwapo. So, okay na siya. Boy and girl na, so, okay na kami.”

Samantala, super sexy ngayon ni Beauty at looking fresh, pero knows n’yo ba na may gusto pa sana siyang ipagawa kapag nabigyan ng chance.

“I have Jollibee legs, yung parang mga chicken joy, yung ganu’n. Gusto kong ipaplantsa konti! Ha-hahahaha!

“I mean, mga doughnuts. Alam nito yung doughnuts? Yung mga love handles, yung mga dito. Pa-cute lang na nicknames ko,” ani Beauty sabay turo sa kanyang beywang.

Natanong din siya kung paano niya ina-assure ang asawa niyang si Norman sa kanilang relasyon at hindi magkaroon ng isyu ng selosan.

“Well, I think he should answer that question, not me. Ano, do you feel secure about me?” baling ni Beauty sa asawa.

Patuloy pa niya, “Wala. Of course, I mean, I just go home, wala naman akong ibang ginagawa, mag-artista lang and then uwi sa bahay. There’s no reason to be insecure or to think about anything.

“Wala, e. Wala naman akong itinatago. I mean, ang tagal-tagal ko na sa business, wala kayong makukuhang tsismis sa akin.

“Nu’ng ininterbyu nga ako ni Toni (Gonzaga), ‘Talaga bang gusto mo akong iinterbyu? Wala namang tsismis sa buhay ko!’

“Sabi niya, ‘Hindi, gusto ko makita ng mga tao kung gaano ka nakakatawa at gaano ka katotoong tao.’

“Kasi, nu’ng gusto niya akong interbyuhin, sabi ko, ‘Wala akong tabloid, Toni, ano ba ang gusto mong pag-usapan sa akin?’ So, yeah, I mean wala akong ibinibigay na problema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ayoko rin ng problema, nakakatanda yun. Yeah, simple lang kami,” dugtong pa niya.

Asawa ni Beauty tinamaan din ng COVID: I didn’t know what to do…I was going out of my mind

Bela nanirahan sa London hindi lang dahil sa dyowa; wala na bang balak bumalik sa Pinas?

Bela kering-keri ang ‘LDR’ nila ng Swiss BF: Nu’ng makilala ko siya ang dami kong natutunan

Pinay beauty expert naniniwalang malakas ang laban ni Rabiya sa 69th Miss U

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending