Anak ni Beauty sumabak na rin sa pag-aartista, pinaiyak agad sa eksena
SASABAK na rin sa aktingan ang nag-iisang anak nina Beauty Gonzalez at Norman Crisologo na si Olivia Crisologo.
Siyempre, proud mommy ang Kapuso actress sa kanyang only daughter habang pinanonood ang pag-arte ng bagets sa harap ng mga camera.
Ayon sa leading lady ni Sen. Bong Rvilla sa GMA action-romcom series na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis”, mapapanood si Olivia sa ginagawa niya ngayong pelikula.
Gaganap ang bata ito bilang young Beauty sa naturang movie na may working title na “Paquil.”
Baka Bet Mo: Bela Padilla inaming nabiktima ng ‘ghosting’ bago makilala ang partner na si Norman Bay
Nag-post si Beauty sa Instagram ng litrato nila ni Olivia sa isang malawak na bukirin kung saan kinukunan ang kanilang pelikula.
View this post on Instagram
“Back in Pakil, Laguna again. But this time, with my baby @oliviainescrisologo. She will be doing a cameo appearance in a film I am doing as the young me. Pretty cool I thought. Just a bit of play, kicks, and giggles, right?
Baka Bet Mo: Asawa ni Beauty tinamaan din ng COVID: I didn’t know what to do…I was going out of my mind
“Wrong. As it turned out, she had lines in Tagalog and a heavy crying scene. Yikes, straight into the deep end on her first splash,” ang caption na nakasulat sa kanyang IG post.
Kasunod nito, ibinandera ng Kapuso star ang kanyang nararamdaman nilang proud nanay, “But WOW, well done baby. You made us proud. A little glimpse into my world, now back to class.”
Bukod sa “Walang Matigas na Pulis Sa Matinik na Misis Season 2”, napapanood din si Beauty sa Kapuso series na “Stolen Life”. Bibida rin siya sa isa pang pelikula kung saan makakasama uli niya ang Kapuso matinee idol na si Kelvin Miranda.
Nagkatrabaho sila ng aktor sa GMA Afternoon Prime series na “Stories From the Heart: Loving Miss Bridgette.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.