Beauty shookt nang pumutok ang bulkan habang umiihi

Beauty shookt nang biglang pumutok ang bulkan sa Guatamela habang umiihi

Ervin Santiago |January 28,2024
facebook
share this

Beauty shookt nang biglang pumutok ang bulkan sa Guatamela habang umiihi

Ervin Santiago - January 28, 2024 - 08:06 AM

Beauty shookt nang biglang pumutok ang bulkan sa Guatamela habang umiihi

Beauty Gonzalez

HINDING-HINDI makakalimutan ng Kapuso actress na si Beauty Gonzalez ang pag-akyat niya sa bulkan ng Guatemala kamakailan.

Habang inaakyat kasi niya ang isa sa mga active volcano roon, kasama ang iba pang hikers ay biglang pumutok nang bonggang-bongga ang bulkan.

Naikuwento ni Beauty ang mga naging karanasan nila sa pagbabakasyon sa Guatemala recently kasama ang asawang si Norman Crisologo at anak na si Olivia sa grand mediacon ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” nitong Biyernes, January 26.

Chika ng aktres, siya lang ang umakyat sa naturang bulkan dahil ayaw ng mister niya na sumama dahil siguradong mapapagod lang daw sila sa pagha-hike.

“Guatemala is known for like, 40 volcanoes and at that time, in Antigua, there were two volcanoes, and they’re active and they’re quite known as hiking trails. Sabi ko, nandiyan na iyan, akyatin ko na,” ani Beauty.

Baka Bet Mo: Pati pag-akyat ni Alex Gonzaga sa bundok binasag ng bashers: ‘Huwag ka nang bumaba…diyan ka na lang’

“Ang daming challenges noon, oxygen, altitude sickness and siyempre, hindi ako sanay na makitulog na may kasamang kahit sino, di ba? E, di inunahan ko na sila. Baka kapag nakatulog ang isa, hindi na ako makatulog. Baka humihilik,” kuwento pa niya.

“It was like a new experience because I have to make friends which I don’t do. I have to talk to people which I don’t do,” aniya pa.

Ngunit bigla ngang pumutok ang naturang bulkan, “Timing din, kasi hindi siya palaging pumuputok. Nag-CR ako, nakita ko na pumuputok ang bulkan. Inangat ko ang panty ko at tinawag ko ang mga kasama ko. Sabi ko, ‘Hoy, hoy, heto na, heto na!’

“It doesn’t really explode all the time. Patsamba-tsamba lang. At that time, paglabas ko, biglang nanginig,” sey ni Beauty.

Ngunit sa kabila nito, itinuloy pa rin nila ang pag-akyat kahit na may ilan silang kasamahang hikers na sumuko’t bumaba na lang. Mula sa 30 katao ay naging 15 na lang sila.

Wala raw talaga sa isip niya na bumaba kahit pumutok ang bulkan, “Because it was good for me, it was good for my soul, it helped me realize na ‘yung mga problema na may solusyon, ‘wag problemahin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“‘Yung mga problema na walang solusyon, ‘wag mo na ring problemahin. So, ang dami kong na-realize nu’ng trip na ‘yun,” mariing sabi ng aktres.

“And if it’s my time, it will be my time, but you know, I just wanna do it. Nandiyan na, eh, ba’t hindi ko aakyatin. Okay pa naman ‘yung katawan ko,” ang paniniwala pa ng leading lady ni Bong Revilla sa “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2.”

Baka Bet Mo: Dimples Romana sulit na sulit ang hirap at pagod sa pag-akyat ng Rainbow Mountains sa Peru kasama ang anak

Nagpapasalamat na lang daw siya sa Diyos dahil walang masamang nangyari sa kanila pero super nag-worry ang kanyang asawa nu’ng mga oras na yun.  Very proud naman daw si Beauty sa sarili dahil isa na naman sa kanyang bucket list ang kanyang natupad.

“To many more mountains to climb,” ang excited pang say ni Beauty na ang gusto pang akyatin sa susunod ay ang Mt. Kilimanjaro.

Nauna rito, nag-post din siya sa kanyang Instagram ng mga litrato na kuha sa iba’t ibang tourist spots sa Guatemala.

Aniya sa caption, “Touchdown Guatemala (heart emoji). Surrounded by three active volcanoes, Antigua is one very beautiful colonial town, planning to stay here a few days to explore Mayan culture, the markets, the crafts and textiles, and perhaps climb a volcano. The floor is lava!!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, mapapanood na ang season 2 ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” nila ni Bong tuwing Linggo, simula sa February 4, 7:15 p.m..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending