Gigi de Lana hina-hunting ng investors, pinayuhan ni Ogie

Gigi de Lana hina-hunting ng investors, pinayuhan ni Ogie

Therese Arceo - January 09, 2025 - 08:03 PM

Gigi de Lana hina-hunting ng investors, pinayuhan ni Ogie

HOW true ang kumakalat na chika na diumano’y maraming huma-hunting sa singer na si Gigi de Lana?

Base sa naging report ni Ogie Diaz sa kanyang online entertainment vlog na “Showbiz Updates”, may mga tao raw na nagme-message sa kanya patungkol sa produktong skincare ng singer.

“Ang daming complaints na dumarating sa akin. Talagang hinahanap nila si Gigi de Lana dahil nag-invest sila dun sa G cosmetics,” saad ni Ogie.

Tila wala na raw kasing mangyari sa mga perang in-invest nila sa produkto kung saan bahagi raw ng kumpanya ang singer.

Baka Bet Mo: Gigi de Lana sinisi ang sarili sa paglala ng cancer ng yumaong ina

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ang siste, ang pangako ay si Gigi, todo-todo ang pagpo-promote. Pero hindi raw nagpo-promote. Minsan pa nga raw ay nagpo-promote pa ng kalaban. Paano mabibili ang kanilang produkto. Tapos naniningil ‘yung mga investors,” pagpapatuloy ni Ogie.

Chika pa ni Ogie, hindi siya sigurado kung aware si Gigi sa isyung kinasasangkutan sa kasalukuyan.

“Ilan na raw silang nagrereklamo. Halos ipa-Tulfo na nila pero hindi raw sila pinapansin ng Tulfo kaya sa aking dumidirekta kasi nga paano naman daw ang kanilang pera tapos nagtatalbugan pa raw ang kanilang mga cheke,” sey pa ni Ogie.

Payo naman noya kay Gigi, “Harapin mo na lamang ‘yang mga investors mo, ‘yung mga distributors mo kasi nga daw ang sumbong nila sa akin ay hindi nabibili ang kanilang mga produkto dahil hindi ka raw nagpo-promote. Pangalawa, hindi raw effective ‘yung iyong G cosmetics kaya medyo ‘di nabibili.”

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang singer kung may katotohanan ang ibinabatong chika laban sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending