Gigi de Lana sa namayapang ina: Hirap ako Ma...ang sakit-sakit!

Gigi de Lana sa namayapang ina: Hirap ako Ma…ang sakit-sakit!

Ervin Santiago - May 30, 2024 - 12:02 PM

Gigi de Lana sa namayapang ina: Hirap ako Ma...ang sakit-sakit!

Gigi de Lana at Imelda de Lana

NAGDURUGO pa rin ang puso ng singer na si Gigi de Lana sa pagpanaw ng kanyang inang si Imelda de Lana matapos makipaglaban sa stage 4 breast cancer.

Pumanaw ang nanay ni Gigi noong May 15, 2024 habang nasa Amerika siya para sa kanyang concert tour kasama ang banda niyang The Gigi Vibes.

Napakasakit para sa dalaga na binawian ng buhay ang kanyang nanay habang nasa malayo siyang lugar, wala naman siyang magawa para makauwi agad at puntahan ito sa ospital.

Baka Bet Mo: Ruffa Gutierrez gaganap nga ba bilang Imelda Marcos sa ‘Maid in Malacañang’?

Sa kanyang Instagram at Facebook page nitong May 27, mukhang nakabalik na nga sa bansa si Gigi base na rin sa litratong ipinost niya habang nasa harap ng kabaong ng kanyang ina.

Ang caption na inilagay ni Gigi rito ay, “Miss na miss nakita Mama Mel Orfano Hirap ako ma. Ang sakit sakit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by GIGI (@gigidelanaofficial)


“We are not perfect.

“I’m not perfect I made mistakes and I’m sorry.

“But I am perfect to my mom,” mensahe mg singer.

Pagpapatuloy niya, “Maraming salamat sa lahat ng nag punta. And sa lahat ng nag condolence.

“It’s ok if yung iba hindi nakapunta. Ok lang yun. Alam ko mga busy din kayo. Salamat,” sabi pa ni Gigi.

Baka Bet Mo: Gigi emosyonal sa world tour, ina nasa ICU: She’s fighting for her life now

Sa huling bahagu ng caption, nabanggit ni Gigi na plano niyang magpahinga muna dahil sa nararamdamang  kalungkutan dulot ng pagkawala ng ina.

“Pahinga lang din muna ako. This is very painful. Kasi kami lang dalawa ang magkasama hanggang sa paglaki ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by GIGI (@gigidelanaofficial)


“My mom raised me well. Ang sakit lang na hindi ko na maffeel yakap niya. Pati pag susuklay niya sa buhok ko. mahal na mahal ko siya,” mensahe ng dalaga.

Matatandaang ibinalita ni Gigi ang pagkamatay ng ina sa pamamagitan din ng Facebook at Instagram madaling-araw ng May 15.

“Salamat sa lahat ng dasal niyo kay mama. She passed away at 9:19 pm May 14, 2024. Mahal na mahal kita mama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pahinga ka na,” ang pahayag ni Gigi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending