Nanay ni Gigi de Lana na may breast cancer pumanaw na

Nanay ni Gigi de Lana pumanaw na matapos makipaglaban sa breast cancer

Ervin Santiago |May 15,2024
facebook
share this

Nanay ni Gigi de Lana pumanaw na matapos makipaglaban sa breast cancer

Ervin Santiago - May 15, 2024 - 08:50 AM

Nanay ni Gigi de Lana pumanaw na matapos makipaglaban sa breast cancer

Gigi de Lana at Imelda de Lana

PUMANAW na ang nanay ng singer-actress na si Gigi de Lana na si Imelda de Lana kagabi, May 14.

Ibinahagi ni Gigi sa publiko ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Facebook at Instagram account kaninang madaling-araw, May 15.

Eksaktong 9:19 daw ng gabi Sumakabilang-buhay ang kanyang ina. Kalakip ang ilang litrato nila ni Ginang Imelda ay ang mensahe ng pamamaalam ng Kapamilya singer.

Baka Bet Mo: Gigi emosyonal sa world tour, ina nasa ICU: She’s fighting for her life now

“Salamat sa lahat ng dasal niyo kay mama.

“She passed away at 9:19 pm May 14, 2024. Mahal na mahal kita mama.


“Pahinga ka na,” ang caption ni Gigi sa kanyang FB post.

Sa kanya namang Instagram page, nag-post din si Gigi ng mga solo photos ng ina at ng ilang litrato nila together.

Ang inilagay niyang caption dito ay, “Mahal na mahal kita mama. Pahinga ka na.”

Matatandaang noong May 8 ay nag-post din si Gigi ng isang video na kuha sa isa niyang show sa Amerika kasama ang kanyang banda na Gigi Vibes.

Doon mapapanood ang pag-amin ng dalaga na habang masaya at todo-bigay ang kanyang pagpe-perform ay inaatake rin siya ng kalungkutan at pangamba.

Baka Bet Mo: ‘Sino ang kinita ni Gerald habang nasa lock-in taping si Julia?’ – Xian Gaza

Nasa intensive care unit (ICU) daw kasi sa isang ospital ang kanyang nanay at nakikipaglaban para sa buhay nito. Hindi nga raw niya alam kung maaabutan pa niya nang buhay ang ina sa pag-uwi niya sa Pilipinas.

“My mom is at the ICU now. If you have seen my stories, meron dung prayer, if you wanna pray for my mom, you can pray for her if you want.

“She’s fighting for her life now and I don’t know if pag-uwi ko andun pa siya. But I really wish she will be there.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by GIGI (@gigidelanaofficial)


“I really wanna hug her, kiss her because, you know, hindi mo alam kung kailan mawawala yung taong mahalaga sa yo.

“So, spend the time sa kanila and love with all your heart.

“There’s nothing wrong with it, just love, para hindi ka rin mag-regret. Because now I am regretting things that I didn’t do with my mom. I love her so much.

“And please love your family kasi sila yung nandiyan para sa inyo. Trust me, they love you with all their heart. Mahal na mahal kayo ng parents niyo,” ang madamdaming pahayag ni Gigi.

Last year, ibinalita ni Gigi na may stage 4 breast cancer ang ina at apat na taon na itong nakikipaglaban sa kanyang sakit.

“Mas iniisip ko yong mom ko kasi yong sa akin, puwede pang maagapan. To be honest, hindi ko na siya isu-sugarcoat, she’s not gonna be well.

“I don’t know when, pero at this moment of time, I’ll do my best to stay with her. Inaalagan ko siya.

“And lahat na nga ng gusto niyang kainin binibigay ko kasi sinabi na ng doktor na wala nang bawal sa kanya. She can eat whatever she wants, no limits.

“So, kung gusto niyong malaman, sa gamot, nagmo-morphine siya. That’s three to four times a day. Now, hindi pa niya matanggap, e, pero ako, kailangan kong tanggapin,” ang pahayag noon ni Gigi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bumuhos naman ang mensahe ng pakikiramay para sa pamilya ni Gigi mula sa kanyang mga fans at mga kaibigan sa entertainment industry.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending