'Sino ang kinita ni Gerald habang nasa lock-in taping si Julia?' - Xian Gaza Bandera

‘Sino ang kinita ni Gerald habang nasa lock-in taping si Julia?’ – Xian Gaza

Alex Brosas |December 07,2021
share this

‘Sino ang kinita ni Gerald habang nasa lock-in taping si Julia?’ – Xian Gaza

Alex Brosas December 07, 2021 - 07:49 AM

Xian Gaza, Gerald Anderson at Gigi de Lana

MUKHANG si Gerald Anderson naman ang pinupuntirya ng businessman at internet sensation na si Christian Albert Gaza.

Sa mga bagong post kasi niya sa kanyang official Facebook account ay tila may aria siya against Gerald. 

“So eto na nga ang chika mga Mars. Nagtsismisan kami ni Gigi (de Lana) kaninang madaling araw sa lobby ng isang mamahaling hotel na ‘di afford ng mga Marites na hampaslupa.

“Sabi ko, ‘What if sirain ko relasyon ni Gerald at ni Julia para wala nang hadlang sa love team niyo?”

“Sagot niya (non-verbatim), “Hoy Xian huwag gano’n! Bad ‘yon! Mabuting tao si Gerald. He’s a very nice guy. 

“‘Everyone loves him. Nami-misunderstood lang talaga siya ng madlang people at alam mo naman ang social media ‘di ba? Parang ikaw lang din.’

“Sabi ko, ‘Gigi, may sasabihin ako sa yo. Ating dalawa na lang sana ‘to. Huwag na lang sana makakalabas ha? May mga alam kasi ako kay Gerald na hindi mo alam.”

‘GIGI: Sige sige, like what?’ sagot daw sa kanya ni Gigi.

“One time, nu’ng nasa isang lock-in taping si Julia…”

“Wait Mars, dumating na yung food delivery ko. Kunin ko lang sa baba. Brb,” ang biting sey ni Xian Gaza.

‘Yan ang una naming nabasa the other day.


Then his next post was this, “Kung ang tawag sa mga supporters ni Duterte ay DDS, sa mga supporters ni Leni ay Dilawans at sa mga supporters ni BBM ay Marcos Apologists… ang tanong ng bayan ngayon, sino ang kinita ni Gerald habang nasa lock-in taping si Julia Barretto?”

And another one was this, “Para sa kaalaman ng buong Marites Association of the Philippines (MAP), si Gigi De Lana at Gerald Anderson ay may upcoming digital series this Dec. 15 — HELLO, HEART.
“Bilang pinuno ninyo, sa ayaw at sa gusto niyo, ito’y ating susuportahan.”

Parang si Xian na ang Pambansang chikador ng bansa, ha! Ang dami niyang alam – from AJ Raval and Diego Loyzaga to this. Grabedad ka Xian. Ikaw na!!!

Xian Gaza pumalag kay Barbie: Bakit hindi si Diego ang magsalita sa publiko?

Xian Gaza biglang kambyo sa pasabog na blind item; Diego, Barbie dedma lang

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending