Gigi de Lana sinisi ang sarili sa paglala ng cancer ng yumaong ina
KITANG-KITA ang pagbagsak ng katawan ng mang-aawit na si Gigi de Lana sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga-Soriano sa YouTube channel nitong “Toni Talks.”
Sa apat na buwang pagkawala ng pinakamamahal na ina ni Gigi ay nasambit niya kay Toni na naliligaw pa rin siya hanggang ngayon kaya hindi nagma-matter ang opinyon ng ibang tao tungkol sa pagbabago niya.
“Sa ngayon Ate (Toni) hindi ko alam para akong naliligaw pa rin until now lalo na nu’ng nawala ang mom (Imelda de Lana) ko.
Baka Bet Mo: Gigi de Lana sa namayapang ina: Hirap ako Ma…ang sakit-sakit!
“At saka nu’ng nawala si Mama ‘yung mundo ko sobrang bigat para akong inalisan ng kaluluwa sa katawan ko kasi siya lahat everytime na kumakanta ako siya ‘yung motivation ko para sa kanya lagi until now,” kuwento ng mang-aawit.
View this post on Instagram
Ang huling pag-uusap daw nina Gigi at ng namayapang ina sa pamamagitan ng video call ay noong nasa Canada siya kung saan may concert siya kasama ang Gigi Band at nakitang hirap na hirap na ang ina dahil bloated na ito sa sakit nitong kanser.
Pagkababa ng cellphone ay naligo na si Gigi at nanalangin siya ng, “Lord okay na po, kunin mo na siya.”
Nagulat si Toni, “Huh? Bakit mo sinabi yun?”
“Hirap na hirap na siya ate Toni. Alam mo ‘yung face niya, namamaga na in pain. After ko maligo may tumatawag na pagkasagot ko lahat sila (sa kabilang linya) lahat sila nag-iiyakan na alam ko na (garalgal ang boses).
Baka Bet Mo: Gigi de Lana may regalo sa mga martir: Para sa mga taong hindi sumusuko sa love
“Shocked ako and then ‘yung Mama ko nawala na…” pigil ang luhang sabi ni Gigi.
“Yun ‘yung huling sinabi mo kay God okay ka na,” paalala ni Toni.
“Pero nu’ng nawala hindi pala, hindi ako okay, hindi ako okay (naging emosyonal na) until now. Sinisisi ko kasi ang sarili ko ate kung bakit siya lumala (kanser) ng ganyan.
View this post on Instagram
“Kasi wala akong pera una, hindi ko siya mapagamot mag-isa lang ako, eh at siya lang din ‘yung lakas ko, siya lang,” umiiyak nang pahayag ni Gigi.
Dagdag pa ng dalaga, “Yung time na ‘yun hindi ko alam ang gagawin ko, in-off ko ‘yung phone sabi ko (sarili) mamaya na lang and lahat ng ka-banda ko pumunta sa room (ko) nag-condolence at sinabi ko tuloy pa rin ‘yung concert.”
Tanong ni Toni, “Itinuloy mo ‘yung show? Paano mo natuloy?”
“Hindi ko alam, hindi ko alam ate. Parang…parang may something na strength na umano sa puso ko na ituloy mo,” saad ng dalaga.
Ang isa sa mga turo ng ina ni Gigi ay, “You have to be professional all the time kasi hindi naman nila (audience) alam kung namatayan ka o hindi o kung ano ‘yung pinagdaraanan mo.”
Sabi naman ni Toni ay ito ‘yung ilang struggles ng performers na kahit na anong mangyari ay the show must go on.
Pagkatapos ng series of shows ni Gigi sa Canada ay umuwi na siya at inaming pina-freeze niya ang body ng ina para pagdating niya ay makita pa rin niya ito.
“Sobrang lungkot pero a part of me ay masaya kasi tapos na ‘yung paghihirap niya kasi she’s battling cancer for 6 years, ang tagal kaya it’s time na rin (magpahinga sabi ni Toni), yes time to rest,” saad ni Gigi.
Sa kasalukuyan ay hindi pa gaanong aktibo si Gigi at ang kanyang banda sa kanilang YT channel dahil ang huli nilang post kung saan nagdya-jamming sila ay tatlong linggo na ang nakararaan.
Inamin din ng dalaga na nu’ng pandemic sila nagsimula ng kabanda na kumanta ng covers sa kanilang YT na may 50 viewers lamang hanggang sa tumaas na nang tumaas at nakilala na sila nang husto.
Maraming tagasubaybay si Gigi dahil almost 700,000 views na ang panayam sa kanya ng “Toni Talks” na kaka-post lang kahapon at marami ang nagpasalamat kay Toni G for guesting Gigi de Lana.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.