Darla bugbog sa mga taong galit na galit kay Toni: Kadiri naman!

Darla bugbog sa mga taong galit na galit kay Toni: Kadiri naman yan!

Ervin Santiago |February 25,2024
facebook
share this

Darla bugbog sa mga taong galit na galit kay Toni: Kadiri naman yan!

Ervin Santiago - February 25, 2024 - 07:00 AM

Darla bugbog sa mga taong galit na galit kay Toni: Kadiri naman yan!

Darla Sauler at Toni Gonzaga

IBA-IBA ang naging reaksyon ng netizens nang bumalandra sa social media ang litrato ng Kapamilya personality na si Darla Sauler kasama si Toni Gonzaga.

Nag-post si Darla ng photo nila ni Toni sa kanyang Instagram account. In-interview kasi niya ang wifey ni Direk Paul Soriano para sa kanyang YouTube vlog kamakailan.

“Toni Talks from the (heart emoji) link in BIO,” ang caption ni Darla sa kanyang IG post.

Hindi ito nagustuhan ng ilang netizens kaya binasag nila ang social media personality at vlogger. Sa dinami-rami raw ng mga celebrities na pwedeng interbyuhin ay bakit si Toni pa na nanglaglag noon sa ABS-CBN.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Darla Sauler (@darla)


Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments sa litrato nina Darla at Toni.

Baka Bet Mo: Kris hindi pa rin nakakaalis ng Pinas para magpagamot; Darla super emote nang muling makita sina Bimby at Josh

“Naku huwag ng ibalik yan. boycott pag binalik yan.”

“Ewwww to the highest level talaga itong mga galawan ni Darla.”

“Never ever again!!!”

“Never forget the unbothered rawr.”

“Naku baka ito pa c darla maging daan para makabalik c toni sa abs-cbn, nilayasan/tinalikuran na kayo and yet mukhang kayo pa ang magjng daan.”

“Nakaka sad @darla. maraming nadis appoint.”

“?????????? Bakit naman!!!!!!!! Nakaka sukaaaaaaaaa  Anyare sa inyo darla??? Trinaydor na nga kayo ng powerful celeb. Daw Kuno ehh…… Jusko lord.”

“Inunfollow nga kayo niyang babaeng yan. Jusko. Tapos lalapit lapit kayo sa kanya darla. MAGISING NAMAN KAYOOOOOOOO JUSKO.”

“Jusko la traydora!!!!”

“Lintek ka Darla pag ito bumalik.”

“Kadiri naman! Hahaha!”

“Most powerFOOL celebrity.”

“Why Darla? Dali makalimot oh.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)


May nagtanggol naman kay Darla tulad ng isang netizen na nagsabing, “Kadiri mga tao dito maka ehw o makatanong bakit…lol! sila pa talaga mas affected as if Toni G caused ABS-CBN’s demise…sagad sa kabobohan talaga tong mga basher ni Toni! juskopo!”

Baka Bet Mo: Kris hindi pa rin nakakaalis ng Pinas para magpagamot; Darla super emote nang muling makita sina Bimby at Josh

“Once a kapamilya always a kapamilya!” sabi naman ng isang dumepensa kay Toni.

Kung matatandaan, nag-resign si Toni sa “Pinoy Big Brother” ng ABS-CBN noong kasagsagan ng proclamation rally ng UniTeam kung saan siya ang nagsilbing host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasunod nito, binanatan nang bonggang-bongga ng mga supporters ng Kapamilya Network si Toni dahil feeling nila tinraydor nito ang istasyon na naging tahanan niya nang ilang taon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending