Darla Sauler binisita si Kris Aquino sa Amerika: You always make time for family | Bandera

Darla Sauler binisita si Kris Aquino sa Amerika: You always make time for family

Therese Arceo |December 01,2022
facebook
share this

Darla Sauler binisita si Kris Aquino sa Amerika: You always make time for family

Therese Arceo - December 01, 2022 - 04:16 PM

Darla Sauler binisita si Kris Aquino sa Amerika: You always make time for family
MULING nagkita ang dating magkatrabaho at malapit na magkaibigang sina Darla Sauler at Queen of All Media na si Kris Aquino.

Bumisita kasi ang Kapamilya segment producer kila Kris na kasalukuyang nasa America.

Sa katunayan, ibinahagi ni Darla ang larawan sa kanyang Instagram account na kuha noong pasyalan niya ang Aquino family.

“You always make time for family. Happy to visit and catch up with you and the kids while you’re in the US, Krisy,” saad ng Kapamilya writer.

“Continuously praying for your well-being. Love, love, love you, Bimb and Kuya always, @krisaquino,” pagpapatuloy pa ni Darla.

Makikita naman sa litrato na nakaupo si Kris sa kanyang higaan katabi ang bunsong anak na si Bimb habang nakaupo naman si Darla sa kabilang side ni Tetay.

Ito ang latest photo ni Kris na makikita sa social media matapos ang ilang buwan nitong pagkawala sa social media.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Darla Sauler (@darla)

Matatandaan na nitong makaraang linggo lang nang muling maglabas ng update si Kris patungkol sa lagay ng kalusugan.

Aniya, aabot pa ng 18 months ang kanyang magiging gamutan at sasailalim pa siya sa iba’t ibang test para matukoy kung ano ang magandang treatment para sa kanyang medical condition.

Aminado si Kris na labis ang sakit na kanyang nararamdaman ngunit patuloy pa rin siya sa paglaban para kanyang dalawang anak na sina Kuya Josh at Bimb.

Wala naman nang ibinahaging update si Darla hinggil sa kalusugan ni Kris. Marahil ay bilang pagrespeto na rin ito sa kaibigan na siyang tanging may karapatan na magsabi kung ano ba ang kanyang kalagayan.

Related Chika:
Kris Aquino may bagong update sa lagay ng kalusugan: Tuloy ang laban, bawal sumuko!

Kris hindi pa rin nakakaalis ng Pinas para magpagamot; Darla super emote nang muling makita sina Bimby at Josh

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bimby pinagluto na si Darla ng steak, binigyan pa ng LV bag

Darla hindi na mapapanood sa Kris TV; Tetay may bago nang partner

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending