Kris hindi pa rin nakakaalis ng Pinas para magpagamot; Darla super emote nang muling makita sina Bimby at Josh | Bandera

Kris hindi pa rin nakakaalis ng Pinas para magpagamot; Darla super emote nang muling makita sina Bimby at Josh

Reggee Bonoan |April 07,2022
facebook
share this

Kris hindi pa rin nakakaalis ng Pinas para magpagamot; Darla super emote nang muling makita sina Bimby at Josh

Reggee Bonoan - April 07, 2022 - 11:52 AM

Kris Aquino, Bimby, Joshua at Darla Sauler

HINDI pa rin nakakaalis ng bansa si Kris Aquino para sa plano nitong magpatingin at magpagamot sa Amerika kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby.

Matatandaang nabanggit ni Kris sa isa niyang Instagram post noong Marso 23 na may huling Xolair treatment pa siya at nangyari ito nitong Abril 3 na kapag okay ang resulta ay diretso na siya patungong ibang bansa.

Pero ilang araw na ang lumipas ay walang update ang Queen of Social Media kung ano ang resulta ng huling Xolair treatment niya kaya nag-aalala ang supporters at followers niya sa socmed.

Mabuti na lang at may post ang writer-friend ni Kris na si Darla Sauler ng larawang kasama sina Kris, Josh at Bimb pati na ang TV executive na mga programa ng una na si Jasmin Pallera.

Dinalaw kasi nina Darla at Jasmin si Kris nitong Miyerkules, Abril 6 kaya may update na ang mga nag-aabang ng balita tungkol sa health condition ni Kris.

Ang caption ni Darla sa larawan nila nina Kris, “Missed you SO MUCH @krisaquino, Kuya Josh and Bimb! Ang saya na finally nakabisita na sa’yo.

“Love you guys so much! And tuloy-tuloy lang ako sa dasal for your health Krisy. See you again soon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Darla Sauler (@darla)


“Halos 3 years kaming di nagkita ng personal ni Krisy, pero halos araw-araw naman kaming magkausap. Ganun talaga pag ‘yung katrabaho mo, nagtitiwala sa ’yo at tinatrato kang kaibigan eventually magiging pamilya talaga kayo.

“Kaya nakaka-emo to see Kuya and lalo na si Bimb na literal kong nasubaybayan ang paglaki.

“Thank you Lord kasi lahat halos ng hosts na nakatrabaho ko before, hanggang ngayon bahagi pa rin ng buhay ko. Kasi may tiwala, pagmamahal at respeto lagi sa puso,” ang buong mensahe ni Darla.

Wala namang binanggit si Darla kung tuloy pa sa pag-alis ang mag-iinang Kris, Josh at Bimb patungong Amerika.

Obviously mukhang okay naman ang ikatlo at huling Xolair treatment ni Kris dahil pumuwede siyang tumanggap ng dalaw na ibig sabihin ay safe na siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami kaming nabasang komento na nagpapasalamat sila kay Darla dahil sa pagdalaw nito dahil kahit paano’y nalaman nila ang kalagayan ni Kris ngayon.

Kris may pa-surprise sa 26th b-day ni Joshua: Thank you Mama and Bimb, I love you!

VP Leni natuwa sa pagbisita sa Tarlac: PNoy may be gone now but Josh being there really meant a lot

Kris, Mel naghiwalay nang dahil sa COVID; mas lumala pa raw ang sakit ng mommy nina Josh at Bimby

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending