Gigi de Lana may regalo sa mga martir: Para sa mga taong hindi sumusuko sa love | Bandera

Gigi de Lana may regalo sa mga martir: Para sa mga taong hindi sumusuko sa love

Ervin Santiago - February 02, 2022 - 07:21 AM

Gigi de Lana

IBA’T IBANG feels ang mararamdaman sa kalulunsad lang na debut album ng breakout star na si Gigi de Lana na isa sa mga pasorpresa ng Star Music ngayong  Bagong Taon.

Hatid ni Gigi at ng Gigi Vibes band ang kwento ng pag-ibig, pagkabigo, at pagbangon sa walong original songs ng album at dalawang bonus tracks. 

“Sobrang ang daming pinagdaanan. Ang daming nangyari kung paano namin na-compose ang ang kanta, kung paano namin naprodyus ang mga kanta. 

“Ang daming ups and downs ng mga kanta namin na hindi namin akalain na eto na siya,” ani Gigi sa naging karanasan niya sa paggawa ng album. 

Pinangungunahan ito ng key track na “O Bakit Ba” na isinulat niya kasama si Erwin Lacsa at tungkol sa masakit at paulit-ulit na pang-iiwan at pagbabalik ng isang minamahal. 

“Para ito sa mga taong hindi sumusuko sa mahal mo. Para ito sa mga taong grabe magmahal, ‘yung martir.

“Ang dami ko rin kasing kaibigan na naging ganoon at hanggang ngayon ganoon pa rin, pero hindi sila nagsisisi na ginawa nila ‘yun. Okay lang sa kanila kasi mahal nila ‘yung tao, so lahat gagawin nila para doon,” sey ni Gigi.

Siya rin ang sumulat ng isa pang kanta sa album na pinamagatang “Letting Go,” katulong naman sina Jon Cruz at Erin Justo.

Siyempre hindi mawawala sa album ang debut single ni Gigi at tinaguriang break-up anthem na “Sakalam” at ang official soundtrack ng “Viral Scandal” series ng ABS-CBN Entertainment na pinamagatang “Nasayo Ako.” Kabilang din dito ang remake niya ng “Bakit Nga Ba Mahal Kita” na siyang theme song ng kanyang pinagbibidahang serye na “Hello Heart” katambal si Gerald Anderson na kasalukuyang napapanood sa iQiyi.

View this post on Instagram

A post shared by 𝐆𝐈𝐆𝐈 (@gigidelanaofficial)


Tampok din sa pop-rock album ang mga kantang “Bibitawan, “First Night,” “Topak,” “Isang Idlip,” at “Huling Lapit.” Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang nagsilbing overall producer nito.

“Gusto naming ipakita sa mga tao na ibinabalik namin ang pop-rock. Eto ang message namin sa album na ito, na maging totoo kung sino ka,” kwento ni Gigi sa halaga ng album para sa kanya at sa kanyang banda.

Samahan si Gigi sa isang emotional rollercoaster ride na mararamdaman sa “Gigi De Lana” album na available na ngayon sa iba’t ibang music platforms. 

https://bandera.inquirer.net/288186/gigi-de-lana-biglang-sikat-sa-bakit-nga-ba-mahal-kita-birit-challenge-sasabak-na-rin-sa-aktingan

https://bandera.inquirer.net/296444/gerald-may-payo-kay-gigi-ako-ang-coach-mo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/291678/gigi-de-lana-gigi-vibes-band-inalala-kung-paano-nagsimula-masaya-sa-paparating-na-debut-album

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending