JMRTN ng REtroSPECT nagbabalik, nakipag-collab kay Lani Misalucha
NAKAKA-LSS (last song syndrome) ang kantang “Iisa Lang” ni Lani Misalucha at ng nagbabalik na singer-songwriter na si Jay Martin Castro o mas kilala na ngayon bilang JMRTN.
Si JMRTN ay miyembro ng ’90s retro pop group na REtroSPECT at ngayon nga ay muli siyang umeeksena sa music scene with his new single “Iisa Lang” featuring the Asia’s Nightingale Lani Misalucha.
Nakachikahan namin si JMRTN sa naganap na intimate presscon para sa kanyang bagong kanta at iba pang kaganapan ngayon sa kanyang pagbabalik sa entertainment industry.
Baka Bet Mo: Lani Misalucha umaming nagkasakit: Nagkaroon po ako ng ‘shingles’…ang chaka!
At dito nga namin napakinggan ang “Iisa Lang” na hanggang sa pag-uwi ay kinakanta pa rin namin. Ang naturang kanta ay isinulat ni JMRTN with Mandy Placheta and Emil Pama under Godspeed Music and was released by Star Music.
View this post on Instagram
Sa mga hindi pa aware, si JMRTN nga ay unang nakilalala bilang member ng REtroSPECT, kung saan nakasama niya ang kapatid na si Goldie Castro at si Ogie Ramos na sumikat nang bongga dahil sa kanilang retro-pop songs noong dekada ’90.
REtroSPECT is an ALIW Awards Hall of Fame Awardee for Best Performance in Hotels, Bars and Music Lounges in 2008, 2009 and 2010.
JMRTN, through the years, has made his mark through his electrifying live performances on stage. Now as a solo artist, he is eager to showcase Filipino-American talent not only locally but also internationally through his company, JARO Productions USA.
While some celebrities looked for other means to combat challenges posted by the pandemic, JRMTN decided to continue doing what he had always loved.
“Sa totoo lang, I decide to go solo due to economic reasons. I need to go afloat and since this is the only thing I do best, might as well go solo,” pahayag ng seasoned singer.
Pero agad niyang nilinaw na mutual decision ng grupo ang magkanya-kanya muna ng career, “Hindi naman ayawan. Hindi kami umayaw. I’m the leader of the group, I’m the manager and chief composer of the group. Whenever we come up with an album, ako ‘yung producer ako rin ang composer.
View this post on Instagram
“They just followed because they believed in me. That’s the one good thing with REtroSPECT, they believed in what I believed in so up until now, we were still together and ganun kaming ka-intact up until now,” sabi pa ni JMRTN na isa na ring producer ngayon.
Bukod kay Lani, nais din niyang maka-collaborate ang mga young artists ngayon, “Gusto ko si Maki because parang wala siyang ginagaya. When we came out in the ’90s kasi wala rin kaming ginaya.
“We were just who we are, sa music namin, sa image namin wala kaming ginaya, like Aegis, Jeremiah, Freestyle, we have unique sounds na parang hindi mo na iisipin kung sino nga ito ulit. Ganun for me si Maki because original is still the best,” pahayag pa niya.
Nagkaroon din si JMRTN ng bonggang collab with Sheryn Regis para sa kantang “Respeto.”
Abangan ang all-out performance nina JMRTN at Lani sa Bar IX sa Molito, Alabang on November 14 at sa Bar 360 sa Newport World Resorts on November 15.
Sa darating na October 11 naman magkakaroon ng solo show si JMRTN sa Bar 360 at magiging pecial guest performer din siya sa upcoming M.A.D.Z. Festival sa October 12 at the Ninoy Aquino Stadium at sa “Rated GIGI 2.0” concert ni Gigi De Lana & Gigi Vibes sa Guam, USA on November 23.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.